Paulo Avelino and non-showbiz girl Natasha Villaroman spend time in Amanpulo

IMAGE Jade Ecleo's Facebook

Paulo Avelino was spotted again with non-showbiz girl Natasha Villaroman a few days after he was grilled about the real score between them.


Mabilis na kumalat sa social media ang larawan ni Paulo Avelino at ng non-showbiz girl na si Natasha Villaroman na kuha umano sa kanilang bakasyon sa Amanpulo.

Ito ay sa kabila ng pagiging mailap ng Kapamilya actor tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon.

Mismong ang ina ni Natasha na si Jade Ecleo-Villaroman—dating vice governor ng Dinagat Islands sa Mindanao—ang nagbahagi sa Facebook account nito ng mga litrato ng dalaga at ni Paulo.

Sa kasalukuyan ay burado na ang naturang Facebook post ni Jade.

Na-repost naman agad ito ng ilang fans ng Kapamilya actor.

DATING? Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 3, inamin ni Paulo na madalas niyang makasama si Natasha.

Ngunit nang tanungin kung si Natasha ba ang itinuturing niyang special girl sa buhay niya ngayon, kapansin-pansing naging paiwas ang mga sagot ni Paulo.

Nilinaw ng aktor na hangga't maaari ay ayaw daw kasi niyang maapektuhan ang pamilya ng dalaga.

Sabi ni 28-year-old actor, “I’m dating, I’m dating. I’m currently... I’m dating. Yeah, that’s it... I won't give any specifics!”

READ: Who is Natasha Villaroman in Paulo Avelino's life?

WHO IS NATASHA VILLAROMAN? Sa pagsasaliksik ng PEP, base sa Linkedin.com details ni Natasha, siya ay graduate ng De La Salle University at kasalukuyang nagtatrabaho sa recruiting operations department ng isang ride-sharing app.

Ang dalaga, na isa ring part-time commercial model, ay 23 taong gulang sa ngayon.

Sinubukan ng PEP na hingan ng pahayag sina Paulo at Natasha upang tanungin tungkol sa estado ng kanilang relasyon, ngunit wala pa silang sagot as of press time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN