Bong Revilla latest victim of celebrity death hoax

IMAGE File photo

Bong Revilla's lawyer reacts to death hoax about the actor-politician.


Pinabulaanan ng abugado ni dating Senator Bong Revilla Jr. ang bali-balitang namatay na ang actor-politician.

Ilang araw matapos ang balitang isinugod sa ospital ang dating senador, naging usap-usapan sa social media ang diumano'y pagpanaw niya.

Read: Bong Revilla Jr. rushed to hospital

Ayon kay Atty. Reody Anthony Balisi, nananatiling naka-confine si Bong sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City.

Pahayag ni Atty. Balisi sa GMA News ngayong araw, November 8, “Wala pong katotohanan.

“In fact, nung nag-report ako kanina lang, nakausap ko siya sa ospital. Mukhang okay naman siya, stable and resting.”

Gayunman, kakailanganin pa rin daw sumailalim ni Bong sa ilang pang tests para sa kanyang iniindang sakit.

Matatandaan na noong Sabado, November 5, nabalitang isinugod sa ospital si Bong dahil sa matinding migraine at high blood pressure.

Ito ay nangyari habang siya ay naka-detain sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, kasama ang kaibigan at dati ring senador na si Jinggoy Estrada, dahil sa kasong graft at plunder na isinampa laban sa kanya kaugnay ng pork barrel scam.

Hiniling ng kampo ni Bong sa korte na payagan siyang manatili muna sa ospital hanggang ma-discharge siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN