Aljur Abrenica learns to accept criticisms about his acting

IMAGE Mark Atienza

Masaya raw si Aljur Abrenica sa takbo ng kanyang career ngayon sa GMA Network. Gusto raw niyang makatrabaho ang marami pang Kapuso stars in the future.


Sa larangan ng pag-arte, sinasabi ng iba na ‘bano’ o ‘tuod’ daw ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica.

May mga komento pang hindi na raw nagbago ang 'statue acting' nito, katulad sa ginampanan niyang role noon sa teleserye ng GMA Network na Machete (2011) bilang isang istatwang nabubuhay.

Ano ang masasabi ni Aljur tungkol sa bansag sa kanya bilang 'tuod'?

Tugon ng 26-year-old actor, “Matagal nang sinasabi ‘yan. Yeah, nasaktan ako.

“Before, talagang nasasaktan ako... hanggang ngayon naman. I just learned how to handle it.

“Dahil tinangggap ko na siya... dahil for a certain time, totoo naman, 'coz I’m really lost.

“Pero as long as I’m doing something about it, may ginagawa naman ako para…

“Ang focus ko lang is, alam ko sa sarili ko, may ginagawa ako para mas ma-improve.

“Kasi wala namang taong perpekto. Wala namang taong ipinanganak na magaling kaagad, lahat ‘yan pinag-aaralan.”

Nagagalit ba siya sa mga taong nagsasabi ng ganito sa kanya?

Sagot ni Aljur, “No, I don’t take it against them.

“I take it as a challenge na rin, and I take it as a reminder.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur nitong nakaraang Biyernes, November 4, sa kanyang bahay sa Quezon City.

HAPPY WITH GMA. Kung pag-uusapan ang kanyang trabaho, masaya raw si Aljur sa takbo ng career niya ngayon sa Kapuso network.

Saad niya, “Ako, masaya ako sa mga nangyayari sa GMA. Between me and GMA at sa GMA itself. 

“Patuloy nila akong binibigyan ng trabaho, nakatatlong soap na ako sa kanila ulit, since nangyari yun two years ago.

“And proud ako sa kanila dahil maganda yung resulta ng trabaho nila when it comes to soap, ratings, so proud ako bilang isang Kapuso.

“Mga plano? I’m looking forward na marami pang makatrabaho sa mga GMA stars dahil doon talaga ako nagmula, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang noong 2014 ay nasangkot sa kontrobersiya si Aljur nang maghain siya ng reklamo laban sa GMA Network sa kagustuhan niyang putulin na ang kontrata niya rito.

Read: Aljur Abrenica files complaint to terminate contract with GMA Network

Usap-usapan dati na gusto na niyang lumipat sa ABS-CBN at may mga nakakita na raw sa kanya na nakikipag-usap sa ilang taga-Kapamilya network. Totoo ba ito?

Tugon ni Aljur, “There’s a point. Oo.

“Hindi siya yung intensiyon talaga, e [na lumipat], yung pinanggagalingan ko ay gusto kong lumipat.

“Ang pinanggalingan ko ay gusto ko lang marinig ako, mapansin ako.

“May gusto akong iparating sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN