Sunshine Cruz confirms she felt the "spark" with Macky Mathay

IMAGE Instagram (@realaramina, @mackymathay)

Sunshine Cruz on relationship with boyfriend Macky Mathay. "Safe to say, yes, I am happy now. Masaya ako at masaya ang mga anak ko para sa akin."


Nagsalita na si Sunshine Cruz tungkol sa kanyang bagong boyfriend na si Macky Mathay.

Si Macky ay kapatid sa ama ng kaibigan ni Sunshine na si Ara Mina.

Sa episode ng Magandang Buhay noong November 3, ibinahagi ni Sunshine ang estado ng kanyang puso ngayon.

“Safe to say, yes, I am happy now. Masaya ako at masaya ang mga anak ko para sa akin,” pahayag ng aktres, na may tatlong anak na babae sa estranged husband na si Cesar Montano.

Sa guest appearance nina Sunshine at Ara sa morning talk show ng ABS-CBN, kinumpirma ng dalawang aktres ang kuwento ni Macky sa exclusive interview ng PEP kung paano nagsimula ang love story nila ni Sunshine.

Nag-direct message si Macky kay Sunshine sa Instagram ng simpleng “Hi,” habang kasama ng aktres si Ara sa ibang bansa.

Sumagot si Sunshine sa mensahe ni Macky at doon nagsimula ang kanilang komunikasyon.

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."

Sinagot ni Sunshine si Macky noong September 18.

SPARK ON THE FIRST MEETING. Natanong si Sunshine kung naramdaman ba niya ang spark kay Macky.

“Oo, when I met him for the first time,” sagot ng aktres.

Nagkita raw ang dalawa isang buwan matapos silang magkausap sa social media.

Sa nasabi ring episode ng Magandang Buhay ay nagbigay ng mensahe si Macky para sa kanyang girlfriend via phone patch.

Tinanong ang kapatid ni Ara kung paano niya napatibok ang puso ni Sunshine matapos ang halos apat na taon.

Tugon ni Macky, “Sa tingin ko, nagpakatotoo lang naman ako.”

Ipinaliwanag din niya kung bakit siya nag-“hi” kay Sunshine sa social media.

“Naglakas-loob lang naman talaga ako. Dati ko na rin naman siyang crush.”

Naging kakilig-kilig din ang mensahe ni Macky para kay Sunshine.

Sabi niya, “Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na madaling magsabi ng mahal kita, pero ang ipa-promise ko na lang sa kanya, araw-araw ko pa rin siyang liligawan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUNSHINE’S MESSAGE TO MACKY. Nagbigay rin ng mensahe si Sunshine kay Macky.

Sabi ng aktres, “Ayaw niya kasi ang nagti-thank you.

“Every time that I would say thank you to him for being sweet — sobrang bait niya kasing tao — parati niyang sinasabi, ‘No thank yous.’

Pakiusap pa ni Sunshine, “Pagbigyan mo na muna ako ngayon when I tell you, maraming maraming salamat for being there for me. Yun lang.”

Paglalarawan pa ni Sunshine sa kanyang boyfriend, “Siya, kahit pilay siya, kakaopera lang niya sa tuhod, pero kahit kakaopera niya lang, siya pa yung magbubukas ng pinto ng kotse para sa akin, aalalayan niya pa rin ako.

“So, I really appreciate that.

“I’m just so grateful and happy na sinagot ko yung message mo sa akin, kaya ngayon masaya si Sunshine.”

Samantala, makikita naman sa Instagram posts ng dalawa ang mga larawang magkasama sila o kaya naman ay kasama ang iba pang mga kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN