Manny Pacquiao says former President Ferdinand Marcos 'has the right' to a hero's burial

IMAGE Instagram (@mannypacquiao)

Boxing champ and Senator Manny Pacquiao supports SC ruling to allow former President Ferdinand Marcos's remains to be buried in Libingan ng mga Bayani. The boxing champ also urged people to move on from martial law.


Kinatigan ni boxing champ at Senator Manny “Pacman” Pacquiao ang desisyon ng Korte Suprema na payagang mailibing ang dating diktador at pangulo na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kababalik lang sa bansa ni Pacquiao matapos talunin ang American-Mexican boxer na si Jessie Vargas para sa WBO world welterweight championship sa Las Vegas, Nevada, USA, nitong November 5.

Nagtungo si Pacquiao sa Senado ngayong Martes, November 8, upang i-resume ang kanyang tungkulin bilang senador.

Dito ay natanong siya ng press kung ano ang kanyang reaksiyon sa ruling ng Supreme Court sa isyu ng paglilibing kay Marcos.

Saad niya, “Intindihin natin yung Konstitusyon.

“Kung Konstitusyon ang pagbabasehan natin, once na ikaw ay naging president at elected ka, you have the right.

“Kumbaga, qualified ka na ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

“At saka para sa akin, if we are claiming we believe God, we should forgive others.”

Hiningan din ng mensahe ang senador para sa mga tumutuligsa na mailibing ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

“Ang message ko, kung kayo naniniwala sa Panginoon, ang Panginoon nagpapatawad, tayo pa kaya, hindi tayo makapagpatawad, di ba? Especially para lang sa paglibing.

“At unang-una, hindi naman against the law ‘yan. Puwede naman siyang ilibing dahil [elected] naman siya as a president.

“Kumbaga, intindihin na lang natin.”

Opinyon pa ni Pacquiao, mas makabubuti raw kung mag-move on na ang mga tao.

“Para sa akin, yung sugat siguro naghilom naman siguro yun. Move on na tayo, di ba?

“Kung anuman yung mga ano natin, ipasa-Diyos na lang natin, kasi Siya lang ang puwedeng manghuga.

“Siya lang puwedeng magtanim ng galit sa atin.

“Hindi tayo ang puwedeng magtanim ng galit sa kapwa.

“Para sa aking opinion, sa aking paniniwala,” sundot ng senador tungkol sa kanyang naging pahayag hinggil sa isyu.

Inusisa rin si Pacquiao sa mga karapatang pantaong nilabag ni Marcos noong panahon ng martial law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Alam mo, nung naging diktador siya... pero bago diyan, nahalal siya as a president.

“Alam ba natin na magiging dictator siya nung nahala siya bilang president?”

Punto pa ni Pacquiao, si Marcos ay ibinoto ng mga tao at nagkaroon ng qualifications.

“Irespeto natin yung Supreme Court.”

Samantala, umalma at ikinalungkot naman ng ilang artista at personalidad ang nasabing ruling ng Supreme Court.

Read: Celebrities, politicians react to Supreme Court's decision to grant Ferdinand Marcos a hero's burial


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN