Erwin Tulfo welcomes possibility of Kris Aquino joining TV5

IMAGE File photo (Erwin)/Instagram photo of Kris Aquino

"Kris Aquino is Kris Aquino," says Erwin Tulfo about Kris Aquino joining TV5.


Nilinaw ni Erwin Tulfo ang usap-usapang pagbabago ng format ng TV5, kung saan mas tututukan umano ng network ang sports at news programs.

“May sports and news pa siya, pero at the same time, may ibang programs pa rin siya,” sabi ng beteranong broadcaster sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Kaugnay nito, nabanggit niya ang napabalitang gagawing one-on-one interview ni Kris Aquino kay President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Erwin, “I think yung nabasa niyo na Kris Aquino will be interviewing the president, it will be shown in TV5.

“I think they’re working out now with Ms. Kris Aquino and the management.

“Pero under negotiation pa yata iyon.

“Mukhang hindi yata siya natuloy doon sa GMA, so it’s with TV5 right now.”

So, puwede pa rin pala yung programang may entertainment component?

Sagot ni Erwin, “Oo, pero hindi siya sasabay sa ABS-CBN at sa GMA na production, entertainment.

“Ang focus, e, news and sports, pero meron siyang mga kagaya ng talk shows.

“I say it will be more of talk show. Sana nga nandiyan si Kris.

“Yung mga public affairs shows kagaya sa program na ilu-launch ko with TV5.”

CAN KRIS AQUINO HELP TV5? Nang tanungin ng PEP kung sino sa tingin niya ang nakausap ni Kris sa TV5, sagot ni Erwin, “I think si MVP ang kausap. Magkaibigan naman pala talaga sila ni MVP.”

Ang tinutukoy niya ay si TV5 chairman Manny V. Pangilinan.

Base sa kaalaman ni Erwin, posible kayang matuloy talaga si Kris sa TV5?

Tugon niya, “I think yung ina-announce na interbyuhin niya [Kris] si Duterte, I think it will be shown sa TV5, yung one-on-one niya with the President.

“So, iyon ang signal, pag na-interview niya si Presidente.

“And I think the interview will only be shown sa TV5 and PTV-4. It will not be shown on ABS or GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kris Aquino will make TV comeback via TV5 and PTV4

Sa palagay ni Erwin, makatutulong sa TV5 kung magtutuluy-tuloy si Kris sa TV5.

Tugon niya, “Siguro. I mean, let’s face it, Kris Aquino is Kris Aquino.

“May mga followers iyon. May mga haters... well, kahit nga haters, e, sabi nga nila kapag pinapanood ka, kahit na negative publicity is publicity, di ba?

“Kahit na hate ka nila, pero pinapanood ka.

“E, siyempre, the mere fact na binuksan mo yung TV, pinapanood mo, nandoon ka sa channel na iyon kahit na hate mo, di ba?

“Pero Kris Aquino is Kris Aquino.”

OPEN TO GET KRIS AS GUEST IN HIS NEW SHOW. Kung sakali, okey ba sa kanyang makatrabaho si Kris?

“Puwede naman,” sagot ni Erwin.

“Kaya lang, entertainment kasi siya, e, sa public affairs naman ako, e, so baka hindi rin mangyari.”

Paano kung kunin niyang co-host si Kris sa ilu-launch niyang magazine show?

“Baka naman pag isinama ko si Kris sa programa ko, baka naman matabunan pa ako!” biro ni Erwin.

Kambiyo niya, “I mean, yung popularity niya kasi, di ba?”

Pero puwede kaya niyang kunin na guest?

Sagot ni Erwin, “Well, puwede, puwedeng guest.

“Automatic naman iyon sa TV5, e.

“Kapag may papasok na bagong program o bagong talent, igine-guest namin sa aming program.”

At kung sakaling maging guest niya si Kris sa kanyang upcoming show, ano ang itatanong niya sa TV host-actress na hindi pa alam ng publiko?

“Lahat na yata alam, e.

“Siguro I’ll just ask her about her brother [dating Pangulong Noynoy Aquino].

“Ano na ang lagay niya, how is it?

“And then another thing is, like yung Duterte is quiet, na si Duterte ay hindi hinahabol si PNoy.

“Unlike his brother na hinabol nang hinabol si Gloria [Macapagal-Arroyo, former president and current Pampanga representative]. Si Duterte is tahimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those are my questions that I might ask.

“Anong masasabi mo na bakit tahimik si Duterte sa utol mo? Magkaibigan ba sila silently, secretly?

“Nag-uusap ba sila, do they talk in private?”

Ayon kay Erwin, sa December ay magsisimula na ang bagong programang ipoprodyus niya para sa TV5.

Read: Broadcaster Erwin Tulfo saddened by downsizing of TV5


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN