Keanna Reeves apologizes for admitting sexcapade with an actress' ex-boyfriend

IMAGE Keanna Reeves Facebook

Humingi ng paumanhin si Keanna Reeves sa isang aktres dahil inamin niya ang tungkol sa kanyang sexcapade noon sa ex-boyfriend nito. Ang alam daw kasi niya, nanliligaw pa lang si TV host sa naturang aktres. Hindi man pinangalanan ni Keanna kung sino ang tinutukoy niyang aktres, posibleng ito ay walang iba kundi si Angel Locsin.


Isang open letter ang ibinahagi ni Keanna Reves sa kanyang Facebook account kagabi, November 8.

Dito ay humingi siya ng paumanhin sa isang aktres na baka raw nasaktan sa pagsisiwalat niya ng tungkol sa kanyang sexcapade noon kasama ang dating boyfriend ng di niya pinangalanang tao.

Umaasa ni Keanna na mabasa ng aktres ang kanyang paghingi ng dispensa sa nangyari sa kanila ng TV host.

Narito ang kabuuang post ni Keanna:

“SANA MABASA MO ITO:

“Awkward moment sa 'kin yung nangyari accidentally nag-met kami ni ex gf (actress) ng ex bf (tv host).

“Nagbatian pa kami at binero pa nga ako ni (actress) tapos bigla nya tinanong sakin about dun daw sa napabalita na may nangyari samin ng ex bf nya.

“Nagulat ako at di ko akalain itanong nya sakin yon personaly.

“Syempre sinabi ko na 'bakit di ka ba naniniwala?' binero ko pa.

“Sabi nya sige na tutal wala naman na kami ex ko na sya.

“Ang sakin naman, kung itatanggi ko e ako naman yong magmukhang sinungaling, kaya sabi ko 'OO.'

“Di ko alam kung na-hurt sya kasi di sya nakakibo, pero di ko sadya saktan sya kasi sobrang tagal na nun at di ko alam kung sila na ba that time....

“Kung nasaktan man kita (actress) i'm SORRY... di ko hangad saktan ka kasi babae din ako... I was single then at ang alam ko single din si (tv host) nun.

“I respect you (actress) alot coz i know youre nice person... Again SORRY kung nasabi ko sayo ang totoo, di ko sinadya..."

ANGEL-LUIS CONNECTION. Hindi pinangalanan ni Keanna ang tinutukoy niyang nirerespetong aktres pati na ang ex-boyfriend nitong TV host na kanyang nakatalik halos sampung taon na ang nakararaan.

Nagunit kung babalikan ang panayam ng dating sexy star sa May 30, 2016 episode ng Good Times With Mo ni Mo Twister, sinabi nitong nakatalik niya noon ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa noon ni Keanna, nanliligaw pa lamang daw noon si Luis kay Angel nang may nangyari sa kanila.

Dagdag niya, matapos lumabas sa blind items at naisapubliko ang ugnayan nilang dalawa, hindi na raw nai-guest si Keanna sa mga programa ni Luis.

Read: Keanna Reeves claims she had sex with these actors


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN