President Duterte on his comments on VP Robredo: "What's the problem there? What's the issue?"

IMAGE File photo

VP Leni Robredo: "When President Duterte made inappropriate remarks, I deliberately chose to ignore these. There are larger and more urgent issues we confront as a nation that demand our collective attention."


“Nandiyan na naman ang media.”

Ito ang bahagi ng reaksiyon ni President Rodrigo Duterte nang punahin ng ilang miyembro ng media sa isang press conference ang biro niya kay Vice President Leni Robredo.

Sa ginanap na paggunita sa Yolanda tragedy sa Tacloban kahapon, November 8, biniro ni Duterte si Robredo tungkol sa makikita raw niyang naka-skirt ito sa cabinet meetings.

Sabi ni Duterte sa presscon bago siya umalis patungong Thailand at Malaysia, “Yeah, I said she was wearing a skirt. Her tuhod was walang ano...

“Sabi ko, 'Hindi nagsisimba ito.'

“It is appropriate. As a matter of fact, it is good.

“So, what's the problem there? What's the issue? Sexist? Slur?”

Dagdag pa niya, “Ano ba ang sasabihin ko? Totoo naman.

“And I said that every meeting. You ask all of the cabinet members... just to lighten the moment.

“What's so special about the knee of a person?”

Read: President Duterte jokingly hits on VP Robredo: "Kung saan siya pupunta, pasunod-sunod ako, biyuda kasi."

ICEBREAKER.  Bagamat may ilang hindi natuwa sa ginawang biro ni Duterte, lalo pa't sinabi niya ito sa okasyong inaalala ang nangyaring trahedya noong 2013, dinepensahan naman ng pangulo ang kanyang naging pahayag.

Saad niya, “It is necessary for them to laugh, for them to enjoy the occasion, kasi galit ako.

I was angry yesterday because after forty billion sa NHA, pati after thirty billion sa [DSWD], ang naka-occupy pa lang is four thousand.

Kaya ako... to break the ice, yun ang ginawa ko.”

Ang tinutukoy ng pangulo ay ang bilyun-bilyong piso na ibinigay para sa rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng typhoon Yolanda.

Sa kanyang mga sumunod na pahayag, tila galit nitong sinabi sa reporter, “Do not exact standard for me.

I will do what I say and I say what I do.

Those jokes like that is nothing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unless umakyat ka sa tuhod, then that could be in bad taste.

Pero yung sabihin mo na tingnan yung tuhod, so? What's wrong with the knee?

I mean, you have a wife, if I say na yung tuhod ng asawa mo gasgas kakasimba, may kalyo na.”

Sabi pa ni Duterte sa reporter, “You want to depict me as bastos? You can. Have your day.

It's not my concern to impose standards.

Do not put limitation or cast aspersion sa mga biro ko kasi ako, hindi ako heneral, pulitiko ako.

Natural sa amin ang magpatawa lalo na after magalit.”

 

VP REACTS. Samantala, binigyang-pansin ni Vice President Robredo ang mga negatibong pagtanggap ng ilan sa ginawang biro sa kanya ni President Duterte.

Mapapansin na habang binibitawan ni Duterte ang kanyang biro, ngumingiti-ngiti lamang si Robredo.

Sa kanyang official statement, na nailathala sa kanyang Facebook account, nilinaw ng bise presidente ang kanyang naging reaksiyon.

Aniya, “When President Duterte made inappropriate remarks, I deliberately chose to ignore these.

“There are larger and more urgent issues we confront as a nation that demand our collective attention."

Gayunman, aniya, “But many were bothered and offended by it. As we all rightly should.

“Tasteless remarks and inappropriate

“We should expect that most of all from our leaders.

“I have spent many years as an alternative lawyer fighting for the rights of women, myself included.

“That commitment will never waver.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN