Volleyball star Mika Reyes mum on rumored relationship with actor Jerome Ponce

IMAGE Jerome Ascano / SPIN.ph

"Kasi this time, I want my private life, private," pahayaga ng volleyball player na si Mika Reyes tungkol sa nababalitang relasyon nila ng aktor na si Jerome Ponce (inset). Si Mika ay dating naugnay sa Ateneo basketball star na si Kiefer Ravena.


Umiwas ang professional volleyball player na si Mika Reyes na magsalita tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng Kapamilya actor na si Jerome Ponce.

Kagabi, November 8, ay namataan si Jerome na nanood ng laban ng koponan ni Mika na F2 Logistics kontra sa RC Cola Army bilang bahagi ng Super Liga Grand Prix.

“Ako kasi, ayaw ko na lang siya, as much as possible, pag-usapan,” pahayag ng dating La Salle star nang matanong tungkol sa ugnayan nila ni Jerome sa panayam sa kanya ni Mei-Lin Lozada para sa SPIN.ph.

Halata namang masaya si Mika nang lumabas siya sa locker room pagkatapos manalo ng kanilang team.

Ngunit ayaw sabihin ng volleyball player kung ito ba ay dahil sa panalo nila o dahil sa presence ni Jerome.

“Kasi this time, I want my private life, private,” sabi ni Mika, na dating naugnay sa Ateneo basketball star na si Kiefer Ravena.

Dagdag pa niya, “Showbiz na nga siya [Jerome], iso-showbiz ko pa ang side ko? So, ayun na lang.”

JEROME PONCE. Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jerome ay ayaw ring kumpirmahin ng aktor ang namamagitan sa kanila ni Mika.

Sabi niya, “Ayokong manggaling sa akin, e. Oo nga, ako ang lalaki, pero ayokong maging assuming kung ano talaga kami.”

Ngunit ikinuwento ng binata sa PEP kung paano sila nagkakilala ni Mika.

“Nag-meet kami through an acquaintance of a friend. Ayaw niya sa akin, ayoko rin sa kanya.

“Nag-meet kami sa ASAP as acquaintance. Tapos, nag-get along kami with friends.

“She’s really nice nung na-meet ko na, lalo na nung nanonood ako ng games niya.

“We’re getting to know each other more and more.”

Ayon kay Jerome, una niyang nagustuhan ang “lovable” personality ng dating middle blocker ng La Salle.

“More on sa pagkatao talaga niya [ako na-attract].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sino ang mga close sa kanya, sila rin ang nakakaalam [kung sino talaga si Mika].

“Siguro yung iba, ang alam mayabang siya, masyado siyang bully, and stuff.

“But deep inside, she’s lovable.”

Read: Jerome Ponce reacts to ex-girlfriend Elisse Joson's rumored romance with McCoy de Leon


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN