Renz Fernandez tells brother Mark Anthony Fernandez not to surrender

IMAGE Noel Orsal

Isang beses pa lang daw nakakadalaw si Renz Fernandez sa kapatid niyang si Mark Anthony Fernandez, na kasalukuyang nakakulong sa Pampanga Provincial Jail matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana noong nakaraang buwan.


Inamin ni Renz Fernandez na isang beses pa lang niyang nadadalaw ang kapatid na si Mark Anthony Fernandez sa Pampanga Provincial Jail, kung saan kasalukuyang nakakulong ang aktor matapos mahulihan ng isang kilong marijuana sa Angeles City noong October 3.

Read: Mark Anthony Fernandez arrested for illegal possession of 1 kilo of marijuana

Sabi ni Renz, “Actually, yung last time, mga three weeks ago ako nakadalaw.

“Pero dinalaw siya ng isa kong kapatid [Rap Fernandez] dahil nag-taping siya sa kulungan kung nasaan siya.

“Hindi raw masyadong okey, so nalungkot kami.”

Ano ang sinabi ng kuya niya sa kanya nang dumalaw siya?

“Sabi niya sa akin, tulungan ko raw siya. Ipagdasal ko raw siya.

“Sabi ko sa kanya, huwag na huwag siyang susuko dahil malalagpasan niya yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon ng upcoming Hooq series na OTJ, na ginanap sa B Hotel, Quezon City, noong Martes, November 8.

SUPPORT SYSTEM. Sina Renz at Mark ay magkapatid sa ama.

Ang kanilang ama ay ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Ang ina nina Renz at Rap ay si Lorna Tolentino; habang ang ina naman ni Mark ay si Alma Moreno.

Bilang kapatid, ano ang suportang ibinibigay ni Renz kay Mark?

Tugon niya, “Unang-una, pagdarasal.

“Pangalawa, pagbisita sa kanya. Tapos, moral support.

“Lahat ng puwede kung anuman ang request niya.

“Pero siyempre, hindi ka naman puwedeng mag-ano… bawal sa batas yun, e.

“Limited pa rin.”

Hindi naman makapagbigay ng pahayag si Renz kaugnay ng kinahaharap na kaso ni Mark.

“Hindi ko puwedeng pag-usapan dahil sabi ng abogado,” sabi niya.

Ngunit dagdag din ni Renz, “Siyempre, bilang pamilya, masakit sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN