Richard Gomez says drug allegation against him "politically motivated"

IMAGE Richard Gomez Instagram

Naninindigan si Ormoc Mayor Richard Gomez na kailanman ay hindi siya naugnay sa illegal drugs. Sabi ng actor-politician, "I am sorry to disappoint my political opponents. I have never been and I will never be involved in drugs. And no one can pin me down on an accusation so baseless and ridiculous, it is laughable."


“I have never been and I will never be involved in drugs.”

Ito ay bahagi ng karagdagang pahayag ni Ormoc Mayor Richard Gomez, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaugnay ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa “Espinosa drug group.”

Isa si Richard sa mga opisyales ng gobyerno na pinangalanan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 Chief Inspector Leo Laraga na drug protectors diumano sa Eastern Visayas at kabilang sa drug group ni Kerwin Espinosa.

Sinabi ito ni Laraga sa isinasagawang hearing ng Senate public order committee ngayong Huwebes, November 11, kaugnay ng pagpaslang sa ama ni Kerwin Espinosa, na si Albuera (Leyte) Mayor Rolando Espinosa Sr.

Si Laraga ang namuno sa raid ng selda ni Mayor Espinosa sa Baybay City Jail noong November 5.

Napatay si Espinosa sa naturang raid, at inamin ng CIDG Region 8 chief na siya ang nakabaril dito.

Read: Richard Gomez vehemently denies involvement in Espinosa drug group: "That is ridiculous and outright laughable."

Kasunod ng mariing pagtanggi ni Richard sa pag-uugnay sa kanya sa ‘Espinosa drug group,’ nagpadala ito ng mas mahabang pahayag sa PEP ngayong bandang alas-tres ng hapon (Manila time).

Si Richard at ang misis niyang si Fourth District Leyte Representative Lucy Torres-Gomez ay kasalukuyang nasa London, England.

Ayon sa actor-politician, bilang isang artista ay hindi na bago sa kanya ang kontrobersiya.

Ngunit ito raw ang unang pagkakataong nadawit ang kanyang pangalan sa isyung may kinalaman sa droga.

Sabi pa ni Richard, “I initially did not want to dignify this with an answer, but given that this is politically motivated and very malicious, I am speaking up.”

Kasabay nito ay binanggit ng 50-year-old actor ang pagiging anti-drug advocate niya.

Saad ng Ormoc City Mayor, “I have been an anti-drug advocate all my life.

“I spearheaded a massive anti-drug campaign back in the ‘90s, way before it became a fad, before most everyone wanted to join the bandwagon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy niya ay ang Mamamayan Ayaw sa Droga, o mas kilala bilang MAD, na isang kampanya laban sa paggamit ng illegal na droga.

Giit ni Richard, siya ay kalaban ng droga at hindi kakampi.

Mas lalo pa raw na hindi siya protektor ng droga, kundi protektor ng mga kabataan.

POLITICALLY MOTIVATED. Naniniwala si Richard na ang pagkakadawit niya sa isyung ito ay kagagawan ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Diin niya: “I am sorry to disappoint my political opponents. I have never been and I will never be involved in drugs. And no one can pin me down on an accusation so baseless and ridiculous, it is laughable.

“In fact, I ran on a very strong anti-drug platform, which resonated with the constituency, and which got me elected as mayor of Ormoc City, a place infected by drugs for so many years.”

Binanggit ni Richard ang kanyang pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte noong May 2016 elections dahil na rin sa “strong and serious stance” ng noo'y Davao City mayor laban sa illegal drugs.

Ayon pa sa kauupo lang na mayor ng Ormoc, “To fight drugs and bring change is the reason I ran, and because the people saw how serious I was about it is the reason I won.”

Tinalo ni Richard noong May 2016 elections ang incumbent mayor ng Ormoc na si Edward Codilla.

Inulit din niya ang kanyang naunang pahayag: “Do not drag me into this circus. I was never part of it. I will never be part of it.”

Hiniling ni Richard sa mga mambabatas na suriing mabuti ang isyung ito, dahil aniya, “Someone is trying to muddle the issue.”

Sinimulan na ni Richard ang proseso ng pagsasampa ng kaso laban sa kasalukuyang chief of police ng Albuera, Leyte, na si Major Jovie Espenido.

Ayon sa actor-politician, "Naniniwala akong si Espenido ay tao ng mga kalaban ko sa pulitika. Ilang beses na niyang tinangkang sirain ang aking pangalan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala rin si Richard na inimpluwensiyahan ni Espenido ang napaslang na si Mayor Espinosa upang sirain siya at iba pang mga inosenteng opisyal ng Leyte.

FULL STATEMENT. Narito ang kabuuang statement ni Richard na ipinadala niya sa PEP ngayong araw:

“Controversy is nothing new to me.

“Bilang aktor sa show business ng higit tatlong dekada, napagdaanan ko na ang maraming kontrobersiya at sanay na akong pinupukol ng kung anu-ano.

"Pero ngayon lang nakaladkad ang pangalan ko sa masamang gawain na may kinalaman sa droga.

“I initially did not want to dignify this with an answer, but given that this is politically motivated and very malicious, I am speaking up.

“I have been an anti-drug advocate all my life.

“I spearheaded a massive anti-drug campaign back in the ‘90s, way before it became a fad, before most everyone wanted to join the bandwagon.

“Kalaban ako ng droga, hindi kakampi. Mas lalong hindi ako protektor, ang mga kabataan ang pinoprotektahan ko.

“I am sorry to disappoint my political opponents. I have never been and I will never be involved in drugs. And no one can pin me down on an accusation so baseless and ridiculous, it is laughable.

“In fact, I ran on a very strong anti-drug platform, which resonated with the constituency, and which got me elected as mayor of Ormoc City, a place infected by drugs for so many years.

“Hindi lingid ang pagsuporta ko kay President Rodrigo Roa Duterte noong 2016 elections, precisely because of his strong and serious stance on drugs.

“To fight drugs and bring change is the reason I ran, and because the people saw how serious I was about it is the reason I won.

"Sa ngayon, kinausap ko na ang aking abugado na magsampa ng kaso laban kay Major Jovie Espenido, ang kasalukuyang chief of police ng Albuera, Leyte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naniniwala akong si Espenido ay tao ng mga kalaban ko sa pulitika. Ilang beses na niyang tinangkang sirain ang aking pangalan.

"It is unfortunate that he was assigned to Albuera, Leyte, giving him control over the late Mayor Espinosa, who I am sure he prevailed upon to besmirch my name and those of other equally innocent officials.

“Do not drag me into this circus. I was never part of it. I will never be part of it.

“I urge the legislators to dig deeper into this. Someone is trying to muddle the issue."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN