Sancho delas Alas on mom Ai-Ai's Papal award: "May mga bagay na hindi na puwedeng gawin ni Mama."

IMAGE Noel Orsal

Sancho delas Alas on mom Ai-Ai delas Alas: "Sa amin naman, the best talaga siya. May award man o wala, best mom siya para sa aming lahat."


Ipinagmamalaki ni Sancho delas Alas ang Papal Award na tatangggapin ng kanyang ina na si Ai-Ai delas Alas, ang Pro Ecclesia et Pontifice Award, mula kay Pope Francis.

Ang nasabing award, na mas kilala sa ating bansa bilang Papal Award, ay igagawad kay Ai-Ai sa pamamagitan ng isang solemn investiture ceremony na gagawin sa Cathedral of Good Shepherd, sa Regalado Avenue, Novaliches City, bukas, November 11.

Isang magandang regalo ito para sa Comedy Queen dahil ika-52 kaarawan niya bukas.

Read: Ai-Ai delas Alas conferred with Papal award for her 'distinguished service to the church'

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa first day of showing ng pelikulang Area ng BG Productions, kung saan ang halos buong cast ay nanood sa Robinson's Place, Angeles City, Pampanga, kahapon, November 9, inalam namin ang kanyang damdamin sa espesyal na award na matatanggap ng ina.

Pahayag ng baguhang actor, “Sobrang na-amaze kami, kasi akala namin noon, parang basta-basta lang yung Papal Award.

“Kasi parang, 'O, Papal awardee ka.'

“So, kami, parang 'What?'

“Tapos nang malaman namin kung gaano kaengrande ang award na yun, lahat kami na-shock.

“At saka super happy kasi parang tuluy-tuloy na blessings.

“Kasama pa nitong Area na may magandang feedback, tapos birthday pa niya [Ai-Ai].

“So, kumbaga, it fell into its right places.

“Tamang-tama yung pagpasok nung movie, yung Papal Award, so super happy ang ambience sa bahay.”

Ano ba sa palagay niya ang epekto nito sa kanyang ina?

Sagot ni Sancho, “Siguro po, hindi na puwedeng... may mga bagay na hindi na puwedeng gawin ni Mama.

“Kasi, hindi nga lang siya basta-bastang award na iginagawad.

“Kumbaga, meron na rin siyang role na dapat gampanan, na parang siya ay....”

Ibig sabihin nito ay may pressure ito sa kanilang pamilya?

Saad ni Sancho, “For me, siyempre pressure, kasi hindi na siya puwedeng... bawal na yung loko-loko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, Papal awardee ang nanay ko, tapos, 'Ano ba naman yung anak mo, kolokoy?' Ganyan-ganyan.

“Adjust din po talaga kami.

“At saka, napag-uusapan din naman na, 'Ma, okey lang bang...'

“Kumbaga ngayon, mas... hindi po maingat, pero mas maayos.”

BEST MOTHER. Bilang isang ina naman daw ay matagal nang awardee sa kanila si Ai-Ai.

Bukod kay Sancho ay may dalawa pang anak ang Comedy Queen—sina Sofia at Nicolo.

Si Sancho ay anak ni Ai-Ai sa dati nitong karelasyon na si Maltezo dela Cruz, na yumao na noong August 2015.

Sina Sofia at Nicolo naman ay mga anak ng Sunday PinaSaya star sa dati niyang asawa na si Miguel Vera.

Ayon kay Sancho, “Sa amin naman, the best talaga siya.

“May award man o wala, best mom siya para sa aming lahat.”

Bukod sa Papal Award, ang isa pang award na gusto niyang makuha ng ina ay ang acting award para sa pelikulang Area.

Pamilya Area... ???? #indiefilm

A photo posted by Sancho Vito De las Alas (@sanchovito) on

Aniya, “Yung acting niya rito, nakaka-proud. Ang galing niya dito!

“I mean, ako, ilang beses ko na siyang napapanood [yung movie], pero naapektuhan pa rin ako.

“Every time na napapanood ko yung movie, nakaka-proud yung feeling.

“Kung mapansin man siya rito, alam kong very deserving po ang nanay ko.

“Sana nga po.”

Sa parte naman ni Sancho, marami ring magandang feedback na natanggap niya para sa kanyang kauna-unahang serious role.

Sabi niya tungkol dito, “Salamat sa mga nakapansin.

“Kumbaga, isa ito sa records ko sa resume na, kumbaga, masasabi kong pinagtrabahuan ko talaga nang husto.

“At saka nakakanerbiyos po talaga na kasabay sina Kuya Allen [Dizon], at iba pang magagaling na artista.

“Parang, teka, baguhan ako, kailangan kong ma-meet ang expectations nila.

“Kaya ginawa ko rin ang lahat para makasabay ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN