Kristine Hermosa berates basher accusing husband Oyo Sotto of being "batugan"

IMAGE Noel Orsal

A furious Kristine Hermosa challenges basher of husband Oyo Sotto to man up: "At dinamay mo pa talaga ang buong pamilya naming ah!!! Kung talagang hindi ka duwag, tulad ng sinabi ko, magpakilala ka at magpakita ka ng personal!!! At saka natin pag-usapan ang galit at inggit mo sa amin!"


Matapang na sinagot ni Kristine Hermosa ang mga malisyosong komento ng isang basher ng mister niyang si Oyo Sotto.

Kapapanganak lamang ni Kristine sa ika-apat na anak nila ni Oyo noong Sabado ng gabi, November 5.

Kasabay nito ay may ilang bashers ang nagsasabing umaasa lamang ang mag-asawa sa financial support ng ama ni Oyo na si Vic Sotto.

Read: Oyo Sotto slams basher accusing him of being dependent on dad Vic Sotto

Buwelta ni Kristine sa basher na may handle name na @batugansioyo:

“Kung sino ka man, tigilan mo ang asawa ko!!! Kung wala kang magawang makabuluhan sa buhay mo, ‘wag kang mang-istorbo ng buhay ng iba!”

“At maghinay-hinay ka sa mga binibitawan mong salita, dahil unang una, WALA KANG ALAM NA KAHIT KATITING SA BUHAY NAMIN!!!

“Pangalawa, matakot ka sa Diyos dahil baka matindi ang balik sa ‘yo ng mga pinagsasabi mo!!!”

Kinondena ng 33-year-old actress ang pagtatago ng basher sa likod ng dummy Instagram account nito.

“Ano bang problema mo sa asawa ko???!!! Bakit ganun na lang ang pag-aabala mo na gumawa ng iba’t ibang account para lang makapang-bash???!!!”

Hinamon din ni Kristine ang naturang basher na harapin sila ng mister na si Oyo.

“At dinamay mo pa talaga ang buong pamilya namin ah!!! Kung talagang hindi ka duwag, tulad ng sinabi ko, magpakilala ka at magpakita ka ng personal!!! At saka natin pag-usapan ang galit at inggit mo sa amin!”



Samantala, nag-iwan din ng mensahe si Oyo at nagsabing huwag nang idamay si Kristine. 

Pahayag ni Oyo sa isa pang basher na may handle name na @___determine__:

“Sa akin kayo galit di ba? Tara mag-usap tayo kasama pa ng mga ibang kaibigan mo. Sabihin n'yo lahat ng galit n'yo sa akin at ikukuwento ko sa inyo ang storya ko.

“Hindi kasama ang asawa ko. Ako lang. At hindi ako inutil. Baka ikaw." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Burado na ang komento ng basher sa comments thread ng Instagram post ni Kristine.

Ngunit maging sa Instagram account ni Pauleen Luna, misis ni Vic Sotto, ay panay rin ang komento ng basher nina Oyo at Kristine, gamit ang ibang handle name.

Si Oyo ang bunsong anak ni Vic sa una nitong asawa na si Dina Bonnevie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN