Bianca Gonzalez laments difficulty of dealing with bashers

IMAGE Instagram (iamsuperbianca)

Bianca Gonzalez tweets about being called a lot of names by bashers who don't agree with her opinion. 


Muling idinaan ni Bianca Gonzalez sa social media ang kanyang saloobin tungkol sa pamba-bash ng ilang netizens dahil sa pagpapahayag niya ng opinyon.

Matatandaang naging personal pa nga ang atake ng isang basher, na lumait sa kulay ng balat ni Bianca, matapos mag-post ng TV host tungkol sa pagkontra niya sa desisyon ng Supreme Court na mailibing ang dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Read: Bianca Gonzalez hits back at pro-Marcos netizen for making fun of her skin color

Nitong Miyerkules, November 9, sunud-sunod ang tweets ng Pinoy Big Brother host dahil sa mga akusasyon at paratang sa kanya ng bashers kapag nagpapahayag siya ng opinyon.

Pahayag niya: "Pag sinubukan mong makipag-diskurso ng may respeto sa taong iba ang opinyon sayo, tapos biglang ininsulto ka ng 'tanga', 'pathetic'"

Sinang-ayunan din ni Bianca ang isang netizen na nagsabing babansagan kang 'anti-Duterte' kapag ipinahayag mo ang iyong pagiging anti-Marcos.

Isa si Bianca sa mga hindi pabor sa pag-apruba ng Supreme Court na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Tweet ni Bianca: ??Ang hirap talaga ngayon. Pag may pinuna kahit sino, 'tanga' agad o 'bayaran' o 'dilawan' o 'nagmamarunong' o 'nagmamalinis.'??

Isa namang netizen ang sinagot ng TV host na natatakot at naaapektuhan din siya sa pamba-bash ng iba, pero kailangan daw magkaroon ng paninindigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN