Jobert Austria on drug addiction in showbiz: "Nagkapera, masarap ang buhay, minsan napapariwara ka."

IMAGE Noel Orsal

Comedian Jobert Austria makes special mention of Angelica Panganiban for standing closely by him during his recovery from drug addiction. "Halos palagi kaming magkasama nun. Marami kaming napag-uusapan, hindi lang sa showbiz, pero bilang magkaibigan," he shares.


Inalala ng Kapamilya comedian na si Jobert Austria ang pagkalulong niya dati sa droga bilang pasasalamat sa mga kaibigan na tumulong sa kanyang pagbabagong-buhay.

May kinalaman ito sa pagiging emosyunal niya sa kanyang birthday message noong Linggo, Nobyembre 6, sa kinabibilangan niyang ABS-CBN weekend comedy show na Banana Sundae.

Muling inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jobert tungkol dito sa 8th anniversary presscon ng Banana Sundae na ginanap kahapon, Nobyembre 10, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Aniya, “Hindi naman po lingid iyon sa mga tao dahil na-news naman po talaga iyon, di ba?

“Nag-drugs po ako nang matagal, kaya nga po ako nawalan ng trabaho.

“Hindi ko naman po itinatago iyon… puwede akong maging ehemplo ng mga ibang gumagamit.

“Kaya palang magbago dahil suportado nga ako ng mga tao.”

Sa birthday message nga ni Angelica Panganiban para kay Jobert, sinabi ng aktres na handa itong ibuwis ang buhay nito para sa kaibigan.

Sabi naman ng komedyante, “Ganun din po ako sa kanila, e, siguro mararamdaman mo naman iyon kung ganun yung tao sa iyo.

“Siguro ganun din ang gagawin mo pag kaibigan mo, nagpapasalamat ako.

“Kasi marami ang hindi nakakaalam na halos palagi kaming magkasama nun [Angelica], e.

“Marami kaming napag-uusapan, hindi lang sa showbiz, pero bilang magkaibigan.”

LESSONS LEARNED. Inamin din ni Jobert na nang nagtangka siyang tumalon mula sa mataas na palapag ng Sogo Hotel at mag-suicide noong 2014 ay naka-drugs siya.

Ayon kay Jobert, “Katulad din naman po ng iba, halos karamihan.

“Galing sa walang-wala tapos biglang nagkaroon… nagkapera ka, masarap ang buhay, minsan napapariwara ka.

“Napupunta ka sa ibang barkada, e, sumasama ka sa mali, kaya ayun, mali nga ako.

“Natuto na ako, ngayon namimili na ako ng kaibigan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ng kanyang pinagdaanan, natuto rin daw si Jobert na magpasalamat sa blessings na nakukuha niya.

At dagdag pa niya, “Maging responsable ka sa binibigay sa iyong blessings.”

Tatlong taon bago pa raw maupo si Rodrigo Duterte bilang presidente ng bansa ay malinis na si Jobert sa droga.

Si Jobert ang nag-i-impersonate kay Pangulong Duterte sa Banana Sundae.

Hindi ba siya kinakabahan sa tuwing ginagaya niya ang Presidente?

Tugon niya, “Hindi naman ho, siguro dahil komedyante rin naman yun, e.

“May pagka-komedyante rin naman iyon at saka, siguro, napapatawa ko rin naman siya.”

Wala pa naman daw natatanggap na babala si Jobert mula sa Malacañang dahil comedy nga ang ginagawa niya.

“Pero pag pinatawag po ako sa Malacañang, titigil ako,” biro niya.

SUPPORTIVE PEERS. Mula nga sa pagkalugmok sa droga ay nakabangon si Jobert.

Pagkatapos magpa-rehab ay muli siyang nakabalik sa showbiz at sumigla ulit ang career.

Banana Sundae rin ang unang show na tumanggap sa kanya.

“Kung alam ko lang na ganito, hindi na ako nagpa-rehab, dito na ako nagpa-rehab.

“Malaking tulong po ang Banana Sundae sa akin.”

Nagpapasalamat din si Jobert sa suporta ng kanyang co-stars sa Banana Sundae na kinabibilangan nina Angelica, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, Badjie Mortiz, JC de Vera, Jessy Mendiola, Sunshine Garcia, at Aiko Climaco.

Sabi nga ni Pooh, “Nakatutok po kami sa kanya parang nagsasalit-salitan.

“Oo, bantay, kasi may mga mali po siyang nasasamahan, ganun.

“Kaya kung gusto mong bumarkada, dito ka na lang, huwag ka nang lumayo.

“Dati kasi, parang naka-isolate pa siya.

“Noong nag-start pa siya sa amin parang may sarili siyang mundo, ganun.

“Pero noong nakuha na namin siya, umokey na siya.

“Si Angelica, iyon ang nagbabantay sa kanya, marami.

“Lahat kami nagbabantay, kumusta, check, ganun.”

Samantala, sa selebrasyon ng ika-walong taon ng Banana Sundae, isang anniversary show ang kanilang ihahandog sa mga fans at supporters na gaganapin sa KIA Theater sa Nobyembre 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang two-part special na ito ay mapapanood sa Nobyembre 20 at 27 pagkatapos ng ASAP sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN