Kris Aquino posts #GandangDiNapakinabangan hashtag after President Duterte's no-show

IMAGE @krisaquino Instagram

Kris Aquino has Instagram post alluding to cancelled interview with President Rodrigo Duterte.


Idinaan na lamang ni Kris Aquino sa biro ang hindi pagsipot ni President Rodrigo Duterte sa GoNegosyo forum na ginanap sa Davao City, Biyernes ng gabi, Nobyembre 11.

Nakatakada sanang makaharap ni Kris si President Duterte para sa isang "once-in-a-lifetime interview," ngunit hindi nakarating ang pangulo matapos itong atakihin ng migraine.

Read: President Rodrigo Duterte snubs one-on-one interview with Kris Aquino

Kasunod nito ay nagbahagi si Kris ng Instagram post kung saan makikita ang ilang larawang kuha mula sa event.

Kalakip nito ang caption na: "#GandangDiNapakinabangan [laughing emoji] Salamat @kbrosas for this perfect quote."

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na pinaghandaan ng Queen of All Media ang nakatakda sanang pagkikita nila ni President Duterte.

Sa mismong event ay nabanggit din ni Kris na dalawang linggo siyang nagdiyeta para sa unang paghaharap nila ng pangulo.


Samantala, trending topic sa Twitter ang pagbabalik-telebisyon ng Queen of All Media pagkatapos ng pitong buwang pamamahinga.

Kasabay nito ay marami sa mga tagasuporta ni Kris, at pati na rin ilang showbiz personalities, ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa batikang TV host.

Lalo pa't nagawa pa rin ng Queen of All Media na pasiglahin ang pakikipag-usap ng small and medium-scale entrepreneurs sa resource speakers ng event.

Sabi ni Bianca Gonzalez: "Hahahaha! Ate ang daming nakinabang na SMEs dahil sa persuasion powers mo! [clapping emojis]"

Sabi naman ng stylist/designer na si Bang Pineda: "You are loved Krissy!!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN