Danica Sotto proud of how brother Oyo has become as a father

IMAGE Instagram account of Danica Sotto

Danica Sotto became emotional upon seeing younger brother Oyo carrying his fourth child. "I'm a little teary-eyed while looking at this photo because I see how God has molded you into a great person. Brave, opinionated and a man of integrity!"


Proud si Danica Sotto sa kapatid niyang si Oyo sa pagiging mabuting ama nito.

Sa kanyang Instagram post (@danicaspingris) kahapon, November 12, nag-post si Danica ng larawan ni Oyo at ng bagong silang nitong anak sa asawang si Kristine Hermosa na si Marvic Valentin Sotto II.

Dito ay ipinahayag din ni Danica na hindi siya makapaniwalang apat na ang anak ng bunsong kapatid.

Nabanggit pa nitong may mga panahong sumakit ang ulo ng ina nilang si Dina Bonnevie dahil sa mga “kulit at takas days” nila.

Saad ni Danica sa caption: “Still can't get over the fact that you now have 4 kids! When we were young, sakit ng ulo ni Mommy sa kulit at takas days natin. Grabe lang!

“I'm a little teary-eyed while looking at this photo because I see how God has molded you into a great person. Brave, opinionated and a man of integrity!

“God is truly amazing! So proud of you my dear bro/tol @osotto kahit minsan malakas ka pa din mang asar! Haha!! Love you and @khsotto so much!!! 11/6/16 #SentiSaturday.”

Samantala, matatandaan namang noong November 10, isang basher ang nang-akusa kay Oyo na umaasa lamang ito sa amang si Vic Sotto.

Read: Oyo Sotto slams basher accusing him of being dependent on dad Vic Sotto

Matapang namang sinagot ni Kristine ang isang malisyosong komento ng basher na gumamit ng handle name na @batugansioyo at ipinagtanggol ang asawa.

Read: Kristine Hermosa berates basher accusing husband Oyo Sotto of being "batugan"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN