Will Kris Aquino take a break while doing new project?

IMAGE Instagram account of Kris Aquino (@krisaquino)

Kris Aquino continues working on her upcoming project. But then, she hints that she will be missed again by the viewing public.


Nagbigay muli ng panibagong teaser ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa proyektong pinagkakaabalahan na malapit nang i-launch.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram post kanina, November 13, kung saan makikitang isinusulat niya ang kanyang famous signature.

Saad niya sa caption: “Praying, working, and collaborating on this...

“So until our launch w/c is coming very soon, we’re going to be focused on creating many interesting & exciting surprises for you.”

Subalit, sa huling bahagi ng kanyang caption, nagpahiwatig si Kris na mukhang mawawala muna siyang muli sa paningin ng publiko habang ginagawa ang nasabing proyekto.

Pagpapatuloy niya, “Until then... I’m going to let you miss me a bit... Love Kris.”

Noong November 2, inihayag ni Kris na siya ay may pinagkakaabalahang mga bagong proyekto sa kabila ng pagkabinbin ng kanyang TV show na eere dapat sa GMA Network.

Read: Queen of All Media Kris Aquino is back to work

Samantala, matagumpay namang naitawid ni Kris ang kanyang pagbabalik-telebisyon sa GoNegosyo forum event sa Davao noong Biyernes, November 11, na umere sa PTV 4 at TV5.

Ito ay sa kabila ng hindi pagsipot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dapat sana’y one-on-one interview nila.

Read: Kris Aquino calls Duterte no-show an "epic snub"

Matatandaan namang noong Marso unang beses na nagpahinga ang Queen of All Media sa showbiz na tinawag niyang "wellness break."

Read: PEP EXCLUSIVE. Kris Aquino decides to take a hiatus from showbiz for health reasons


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN