Prince Stefan thankful to Keanna Reeves for outing him

IMAGE Keanna Reeves Facebook

Prince Stefan: "Alam na ng lahat kung ano ako, at hindi na effective ang pagpapanggap ko… pero marami rin ang nagsabi na na-inspire sila sa akin. Lalo na yung hindi pa maka-out kasi nahihiya dahil sa family nila. Natuwa din naman ako."


Malaking bagay raw kay Prince Stefan ang pambubuking ng sexy star na si Keanna Reeves sa kanyang tunay na kasarian dahil nakatulong pa raw ito sa kanyang career kaysa nakasama.

Read: Keanna Reeves accuses StarStruck alumnus Prince Stefan of verbal assault, abuse

Saad niya, "Kasi matapos yung nangyari sa amin ni Keanna, nagpi-pray ako kung paano nga ba ako makabalik [sa showbiz].

"Di pa ako ready nun. Dapat kasi sa akin manggaling at hindi sa ibang tao pag nag-out ako.

“In-out niya na, 'Bakla 'yan!' at kung anu-ano ang mga sinabi pa niya.

“Sa side ko, wala akong sinabi at tahimik lang ako… Kasi parang alam din naman ng lahat na bakla ako. e.

"Naghahanap lang siguro ako ng perfect time na mag-a-out sa akin, at yun nga, si Keanna."

Kaya kahit paano ay nagpapasalamat din daw siya kay Keanna.

“Napatawad ko na siya,” giit pa ni Prince.

MORE PROJECTS. Unang-una, ngayong out of the closet na siya, nagkasunud-sunod naman ang kanyang mga proyekto sa pelikula't telebisyon.

Ayon pa kay Prince, ”Hindi pa lang kami ulit nagkita ni Keanna, pero wala na yun, nakalimutan ko na yun.

“Hindi naman ako magkaka-project ng marami kung hindi dahil sa kanya, e.

"Nakatulong din yung pag-out niya sa akin.

"Pag nagkita kami, wala lang, smile na lang ako sa kanya.

"Puwede akong magpa-'thank you' sa kanya, pero wala nang explain further."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa presscon ng Working Beks, na ginanap sa Viva Studios kahapon, November 13.

CONFUSED NO MORE. Pahayag pa ni Prince, bago pa siya ibuking ni Keanna ay marami na ang hindi naniniwalang isa siyang tunay na lalaki.

"After GMA, nag-TV5 pa ako, kahit anong build-up, wala na talagang naniniwala sa akin.

"Trinay pa nga ako ng Viva na i-love team-love team dun sa mga babae sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na talagang naniniwala, wala na ring nanonood talaga.

"Alam na ng lahat kung ano ako, at hindi na effective ang pagpapanggap ko."

Ilang taon din ba siyang nagpanggap?

Ayon kay Prince, "After StarStruck, nung mag-start na ako mag-showbiz..

"Ako mismo sa sarili, confused pa din ako, so hindi talaga ako makapag-out.

“Ako mismo ay hindi sigurado kung ano ba talaga ako kasi naaapektuhan pa ako sa mga babae.

“Nag-girlfriend-gilfriend pa ako that time. So, sabi ko, ‘Ba't ganito? Ba't dual SIM?’

"Puwede namang silahis din, pero sa ngayon, parang more ako sa lalaki.

“Nagsabay-sabay na lang siguro na nag-out ako, nagkaroon ng boyfriend, may teleserye sa ABS [CBN], so ayun.

"Nakakatuwa naman dahil lahat yun ay dahil sa Viva, na kahit nag-out ako, hindi sila na-turn off."

Ngayon bang nag-out na siya, marami bang kapwa niya ang nagpakita ng interes sa kanya?

Mabilis niyang sagot, "Oo, maraming nagmi-message sa akin.

"Mga maeelyang beks, pero marami rin ang nagsabi na na-inspire sila sa akin.

"Lalo na yung hindi pa maka-out kasi nahihiya dahil sa family nila.

"Natuwa din naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN