Aiko Melendez reveals reason for breakup with Persian boyfriend

IMAGE Noel Orsal / @aikomelendez on Instagram

Ayon sa aktres na si Aiko Melendez, ang mahalaga ngayon ay ang kapakanan ng kanyang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain kaysa sa kanyang puso.


Kinumpirma na sa wakas ni Aiko Melendez na naghiwalay na sila ng kanyang Persian boyfriend na si Shahin Alimirzapour.

Ito ay kung pagbabasehan ang naging pahayag ng aktres sa Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN, na ipinalabas noong Linggo ng gabi, November 13.

Kasamang nag-guest ni Aiko sa show ni Vice Ganda ang kanyang panganay na anak na si Andre Yllana.

Naitanong ni Vice kay Andre kung okey lang bang magka-boyfriend ang kanyang ina ngayong matagal na rin naman itong hiwalay sa kanyang ama na si Jomari Yllana.

Sagot ni Andre, “Okay lang naman. Ang inaano ko lang, kapag nagka-boyfriend si Mom, sana kung gaano niya kamahal si Mom, ganun din niya kami kamahal ng kapatid ko.”

Ang tinutukoy ni Andre na kapatid ay si Marthena Jickain, anak ni Aiko sa kanyang second husband na si Martin Jickain.

Dagdag ni Aiko sa tinuran ng anak, “Okay na [ako] basta masaya ang mga anak ko.”

Ayon pa kay Andre, minsan ay napagsabihan niya ang ina tungkol sa love life nito.

Kuwento ng binata, "Meron ‘ata one time, pinagsabihan ko siya sa boyfriend niya.

"Parang sinabihan ko siya na, 'Papuntahin mo ‘yan [sa bahay] para makilala.'

"Dinamdam masyado, brineakan.”

Paliwanag naman ni Aiko, “E, kasi feeling ko, hindi siya okay with my kids.

"So, feeling ko na bago pa ganun ka, hindi okay ang kids ko, isa-sacrifice ko na lang [ang puso ko] para sa kids ko.

"Ganun ko sila kamahal.”

Matatandaang nitong nakaraang Abril ay eksklusibong inamin ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sila na nga ni Shahin, isang negosyate mula sa Iran na nakabase sa Pilipinas.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aiko Melendez confirms relationship with Persian businessman

Pero makalipas lamang ang halos limang buwan, nagpahinga muna ang dalawa sa kanilang relasyon dahil may inaayos daw sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman ni Shahin na hindi sila nag-cool off.

Read: Aiko Melendez's Persian boyfriend clarifies rumored breakup: "We are just taking a break."

Ngayon ay ayaw nang pag-usapan pa ni Aiko ang tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN