Paolo Contis says girlfriend LJ Reyes is wife material: "I'll be stupid to let her go."

IMAGE @paolo_contis Instagram

Paolo Contis on girlfriend LJ Reyes's recent bonding experience with his two daughters in Cebu: "Sobrang close ni LJ sa kanila, lalo na kay Xonia. Tapos, yun nga, nag-shopping. Si LJ ang nag-insist. E, ako, ang gusto ko maglaro lang. Sabi niya, 'Hindi, i-mall natin.' So yun, nakapag-shopping sila with her."


Naging bukas si Paolo Contis sa pagkukuwento tungkol sa pagkikita ng kanyang pamilya at girlfriend na si LJ Reyes sa Cebu.

Para na rin itong instant reunion ng pamilya ni Paolo dahil naroon ang kanya ina, kapatid, at pamilya nito.

Kasama rin nila ang dalawang anak ng aktor sa dating asawang si Lian Paz na sina Xonia at Xalene.

Lahad ni Paolo tungkol sa paglipad nila ni LJ sa Cebu noong October 30: “Nauna sila Mommy, bakasyon nila yun.

“Tapos sumunod kami [ni LJ] nung Linggo nang malaman ko na yung mga bata was with them.

“Sunday lang yung only day off ko. Monday may taping, kaya 9 A.M. to 9 P.M. lang kami.

“Tapos noong Monday, nag-taping ako ng Robin Hood, na-pack-up kami ng ala-una ng hapon. Sabi ko, ‘Balik tayo?’

“E, napag-isipan namin na hindi nga pala tayo mga bilyonaryo. Ang mahal na ng tickets, e, within the day itself.

“Okey na rin [na huwag agad bumalik]. Sabi ko nga, ‘Let’s plan it, hopefully in two weeks time.’”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nasa poder ni Lian ang dalawang anak nila ni Paolo.

At kasalukuyang nakabase si Lian sa Cebu kasama ang partner nitong si John Cabahug.

Read: Lian Paz and John Cabahug welcome baby Niña Angela

BONDING WITH KIDS AND LJ. Ayon kay Paolo, masaya siyang makapiling muli ang dalawang anak kahit ilang oras lang.

Naramdaman din daw niyang na-miss siya ng mga ito.

Sabi ng Kapuso actor, “Oo, sobra, ang hirap lang umalis. Masaya lang, thankful lang ako.

“Well, I’m sure, kung palagi mo silang kasama, iba yung closeness.

"Pero wala namang bahid ng hatred. Wala naman sigurong rason para ma-hate ka.

“Pero walang bahid ng pagkailang…

“Last time I saw them, March, birthday ko yun. So, you might think na may konting ilang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero eto hindi, pagdating dun, okey agad.”

Kumusta si LJ sa dalawang anak niya?

Sagot ni Paolo, “Sobrang close ni LJ sa kanila, lalo na kay Xonia.

“Tapos, yun nga, nag-shopping. Si LJ ang nag-insist.

"E, ako, ang gusto ko maglaro lang.

"Sabi niya, ‘Hindi, i-mall natin.’ So yun, nakapag-shopping sila with her…

“Thankful ako na hindi mo na kailangang lambingin pa.”


NOT LEGALLY SINGLE YET. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa launch ng MApp, na ginanap sa Posh Nails noong November 10.

Nasaksihan ng PEP sa naturang event kung gaano ka-supportive si Paolo bilang nobyo ni LJ, na siyang founder ng MApp.

Bagamat ayaw nang idetalye ni Paolo ang eksaktong petsa kung kailan naging sila ni LJ, siniguro ng aktor na pareho silang masaya sa estado ng kanilang relasyon.

Aniya, “We’re happy, and wala naman kaming inaapakang tao, so tuluy-tuloy lang, masaya lang.”

Sa ngayon, hindi pa masasabing legally single si Paolo dahil dinidinig pa rin ng korte ang petition for annulment nila ng estranged wife niyang si Lian.

Umaasa ang Kapuso actor na i-grant ito ng korte sa susunod na taon. Lalo pa’t may sarili na ring buhay si Lian kasama ang partner nitong si John.

Patuloy ni Paolo, “Hopefully, next year magkaroon ng magagandang development. We’re doing everything we can naman.”

SETTLING DOWN WITH LJ? Kung sakaling maging legally single ulit ang binata, plano na ba nila ni LJ na magpakasal na rin o magpapahinga muna siya bilang bachelor?

Sagot ng Kapuso actor, “Yung pahinga, matagal ko nang ginawa yun. Matagal na rin namang wala [kami ni Lian].

“Siyempre, hindi ko masasabi what the future brings, pero I can say na anything, anyone can wish for in a woman is with LJ.

“I think, I’ll be stupid to let her go.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sinsero ring inamin ni Paolo na nakikita niya kay LJ ang katangian ng isang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

“Ayokong magsalita ng patapos, pero siyempre, yung inspiration mo to move on completely, si LJ ang nagbigay sa akin nun.

“Gusto kong maayos lahat because of her, and of course, meron din naman akong pangarap for my kids.

“Well, actually, ang pangarap namin, maging maayos ang relationship namin with Lian and John [Cabahug] para maging harmonious, ‘ika nga.

“Nakikita ko naman it will come,” positibong sabi ni Paolo.

Base sa kuwento ni Paolo, tila unti-unti nang nabibigyang katuparan ang pangarap niyang maging maayos ang unusual family set-up nila ng estranged wife niyang si Lian.

“Siyempre, hindi mo naman itutulak nang itutulak ‘yan.

“Actually, thankful ako nung time na yun [sa Cebu], three days nilang nakasama yung mga bata, thank you nga ako nang thank you kay Lian.”

Gusto rin daw ni Paolo na maayos ni Lian kung anuman ang plano nito at ng karelasyon na si John.

“I’m sure si John wants din ng tuluy-tuloy na relasyon, maayos [lahat], especially they have a kid na.

“Sana, makita ng ano natin yun... to grant us [an annulment] para everybody happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN