Richard Gomez asks President Duterte and PNP Chief Dela Rosa 'to wipe out bungling cops'

IMAGE Instagram (@richardgomezinstagram)

Richard Gomez to President Rodrigo Duterte and PNP Chief Bato dela Rosa: "If there are EJK for druglords there should also be the same EJK for police men who muddle drug cases and destroying the peace of the innocent."


Nanawagan ang aktor at Ormoc City mayor na si Richard Gomez kina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police chief Director General Ronald 'Bato' dela Rosa kaugnay ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa 'Espinosa drug group.'

Read: Richard Gomez vehemently denies involvement in Espinosa drug group: "That is ridiculous and outright laughable."

Sa kanyang Facebook post nitong Martes, November 15, sinabi ni Richard na kung seryoso sina Duterte at Dela Rosa na sugpuin ang problema sa droga sa bansa, kailangan din nilang alisin ang mga pulis na nagsagawa ng maling imbestigasyon kaugnay nito.

“If your fight and crusade is to wipe out the problem of drugs in the country you should also wipe out these case bungling cops,” bahagi ng post ng actor-poltician.

Dagdag pa niya, kung mayroon mang extrajudicial killing [EJK] sa mga drug lords, kailangan din daw magkaroon ng extrajudicial killing sa mga alagad ng batas na iniimpluwensiyahan ang mga kaso sa droga at isinasangkot ang mga inosente.

“If there are EJK for druglords there should also be the same EJK for police men who muddle drug cases and destroying the peace of the innocent.”

Sa nasabi pang status, ipinost ni Richard ang isang sinumpaang salaysay o sworn statement ng isang witness tungkol sa pagkakasangkot ng pangalan ng ilang pulis, opisyal ng gobyerno, media, at pribadong tao sa listahan na may kinalaman umano sa droga.

Ang nasabing sworn statement, na nakasulat sa salitang Bisaya, ay pangalawang sworn statement daw ng saksi, na tinakpan ang pagkakakilanlan bilang proteksiyon dito.

Dito ay ipinaliwanag ng saksi na ang unang sworn statement niya ay nagtataglay ng mga pangalan ng ilang tao na hindi niya kilala at hindi pinangalanan (maaaring pulis, opisyal ng gobyerno, media, at pribadong tao) na may kinalaman umano sa droga.

Bahagi ng statement ng witness na ipinost ni Richard: “Gumikan sa akong kahadlok nga masuko nako ang mga pulis sa Albuera ug si sir Jovie Espenido, mao wala nalang ko mo react ug gipasagdan nalang nako ang affidavit bisan daghan kayo didto nga gidugang nga mga pangalan nga wala’y labot sa akong pagkahibalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katong uban nga iyang gilista nga membro sa Philippine National Police ug lain pang ubang ngalan didto nga gi-apil ni ma’am [PO3 Hydie] Yutrago sa lista ug sa ready-made nga affidavit nga gipapirmahan sa akoa. Dili to nako kaila ug labaw sa tanan, wala ko kahhibalo ngano ang uban didto gi-apil nila sa listahan.”

Sa wikang Filipino, ang ibig sabihin ng witness ay pinayagan na lamang niya ang mga nakalagay sa kanyang naunang affidavit dahil sobra siyang natakot na magalit sa kanya ang mga pulis sa Albuera, Leyte, at si Municipal Chief Inspector Jovie Espenido.

Ito ay sa kabila raw ng maraming idinagdag na mga pangalan na hindi niya binanggit o hindi niya kilala.

Samantala, ngayong Miyerkules ng hapon, November 16, nagsumite ng kasong administratibo si Richard laban kina Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 Chief Inspector Leo Laraga, Police Chief Insp. Espenido, at PO3 Hydie Yutraga sa National Police Commission (NAPOLCOM) Building sa Quezon City. 

Kasama ni Richard na nag-file ng complaint ang kanyang maybahay na si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN