Mayor Richard Gomez files administrative cases vs three police officers over drug allegation

IMAGE Richard Gomez Instagram

Ormoc Mayor Richard Gomez on filing administrative cases against three police officers for implicating him in Espinosa drug group: " I don't feel good about this. Ako naman, ayoko ng may kaaway. Kami naman, nagtatrabaho lang kami nang mabuti. Mabuti na lang binibigyan tayo ng batas ng remedyo sa mga ganitong klase ng mga ginagawa sa atin. Together with our lawyers, heto, nag-file kami sa NAPOLCOM."


Pulitika ang nakikitang dahilan ni Ormoc Mayor Richard Gomez sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa ‘Espinosa drug group.’

Matatandaang sa testimonya ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 Chief Inspector Leo Laraga sa isinagawang hearing ng Senate public order committee noong November 11, kaugnay ng pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., pinangalanan niya si Richard na kabilang diumano sa drug protectors sa kanilang rehiyon.

Read: Richard Gomez says drug allegation against him "politically motivated"

Kaugnay ng paratang na ito sa kanya, nagsampa ng kasong administratibo si Richard laban kina Laraga, Police Chief Insp. Jovie Espenido, at PO3 Hydie Yutraga sa National Police Commission (NAPOLCOM) Building, sa Quezon City, kahapon, November 16.

Pahayag ni Richard sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “This is clearly political.

“Kauupo ko lang, wala pa akong apat na buwan na mayor, e.”

Naluklok si Richard bilang alkalde ng Ormoc, Leyte, matapos niyang talunin ang incumbent mayor na si Edward Codilla noong May 2016 elections.

Nagsimula siyang manungkulan noong July 2016.

Saad pa ng actor-politician, “I don’t feel good about this.

“Ako naman, ayoko ng may kaaway.

“Kami naman, nagtatrabaho lang kami nang mabuti.

“Mabuti na lang binibigyan tayo ng batas ng remedyo sa mga ganitong klase ng mga ginagawa sa atin.

“Together with our lawyers, heto, nag-file kami sa NAPOLCOM.”

Patuloy niya, “Ang mabe-benifit nila dito, pagdating ng eleksyon, magagamit nila yung headlines na lumalabas na sinasabit ang pangalan ko. Tapos ipagkakalat nila sa Ormoc.

“At kung hindi ako kikibo, sasabihin ng mga tao, totoo.

“Kaya nandito kami, ipaglalaban namin ang karapatan ko.”

FIGHT AGAINST DRUGS. Ayon kay Richard, ikinagulat niya ang paglabas ng kanyang pangalan, lalo’t sa simula pa lang ay krusada na raw niya ang paglaban sa droga.

Lahad niya, “Hindi ko na nga maalala kung nasaan ako nung bigla kong narinig ang pangalan ko, e. Pinanood ko na lang sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-shock talaga ako!

“Alam niyo naman ako, I’m an anti-drug crusader since 1993.

“Itong mga heneral na ito, mga tinyente pa lang ito, lumalaban na ako sa droga.

“Until President Erap [Joseph Estrada] became president, 1998, I created Mamamayan Ayaw Sa Droga [MAD].

“At hanggang ngayon na mayor ako ng Ormoc, yun pa rin ang krusada ko.

“In fact sa Ormoc, two thousand ang nag-surrender sa amin, kasi alam nila na ito talaga ang laban ko.

“Itong mga tao, ibinoto ako sa Ormoc kasi alam nila kaya ko.

“Pero para i-implicate ako sa droga na ganito ng pulis, laban ito. Ni walang ebidensiya.”

Dahil sa isyung ito, sinabi ni Richard na naapektuhan nang husto ang pamilya nila, partikular na ang kanyang nag-iisang anak na si Juliana.

“Sinira nila ang pangalan ko.

“Lahat disturbed—asawa ko, nanay ko, kapatid ko, lalo na yung anak.

“Ini-explain lang namin kung ano yung sitwasyon.

“Sabi namin, this thing is clearly politically motivated.

“Saka itong mga pulis na ito, itong taga-Albuera, kakampi ito ng kalaban namin sa pulitika.

“Tao nila talaga ito.”

ADMINISTRATIVE CASES. Gross misconduct, abuse of authority, dishonesty, at conduct unbecoming of an officer ang mga partikular na kasong isinampa ni Richard laban kina Laraga, Espenido, at Yutraga.

Saad ni Richard tungkol sa mga kasong isinampa niya, “To Major Laraga, for implicating my name during investigation.

“Yung pagsabi niya, hindi naman niya vinerify na kasama ako.

“Sinabi niya puro hearsay lang yung nalaman niya, but nevertheless isinama niya pa rin ang pangalan ko.

“Siyempre pangalan ko, iningatan ko ‘yan over decades, para sirain lang sa isang imbestigasyon.

“Yung pangalawang ipinayl ko, Jovie Espenido and Hydie Yutraga, ito naman as mayor of Ormoc City, I filed this case.

“Paano naman kasi, may nag-report sa akin sa Ormoc, may limang tao pumasok sa isang bahay, apparently, sabi nila mga gamit daw yun ni Mayor [Rolando] Espinosa na nandun sa isang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung pina-check ko dun sa chief of police namin, true enough, may limang tao nga na armado na hinawakan ng chief of police namin.

“And then, na-identify yung mga pangalan.

“Nung na-identify, tamang-tama, dumating itong Jovie Espenido, ina-arbor niya itong limang tao na ito na kumukuha dun sa mga watercraft ni Mayor Espinosa.

“Sinabi ng chief of police namin dun sa regional director na kinukuha ng Espenido itong apat na ito.

“Pumayag yung regional director, pero pinapirma siya na, ‘Kukunin ko itong custody ng limang tao na ito, buhay ito nang kinuha mo.’

“The following day, nung tsinek namin yung mga nahuling tao dun sa bahay, may mga kaso ito sa Baybay, pero di nila kinomit, hindi nila pinasok sa kulungan.

“In short, hawak ni Jovie Espenido itong apat na tao na ito.

“Tapos ginagamit niya dun sa pagkuha ng mga gamit na dapat na nakakulong.”

Sambit pa ni Richard, “Mabigat na kaso ito para sa pulis na ito.”

Posible rin daw niyang sampahan ng criminal case sina Laraga, Espenido, at Yutraga.

CONTINUE THE FIGHT. Tiniyak ni Richard na hindi nila susukuan ang labang ito, lalo’t pangalan niya ang nakataya rito.

“I will not, kaya nandito ako.

“Ito ang simula pa lang ng laban namin.

“In fact, hindi lang ako isinabit niya, ang alam ko marami silang isinasabit na tao.

“Pero laban nila yun, pero ito, sariling laban namin ito.”

Sa huli ay nagbigay rin ng mensahe ang actor-politician sa tatlong pulis na nagsangkot ng kanyang pangalan.

“Ang mensahe ko sa kanila, magtrabaho sila nang malinis, magtrabaho sila nang mabuti.

“Sa pang-aabuso nila, sa pagsangkot nila ng mga inosente, may batas din para sa kanila.

“Malinaw yung ginawa nilang pagkakamali sa amin, kaya nandito kami, nananalig kami sa batas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN