Agot Isidro vows to remain vigilant amid latest political developments

IMAGE Instagram (@agotisidro)

Actress-singer Agot Isidro posts a long message on Facebook as reaction to recent events. In a comment, she said that history is important, especially the lessons from it. 


Nag-post si Agot Isidro ng mensahe sa Facebook kaugnay ng hindi niya tinukoy na kaganapan sa lipunan.

Hindi man tinukoy ni Agot kung tungkol saan ang kanyang mahabang status, may indikasyon na reaksiyon niya ito sa Supreme Court ruling noong November 8 na payagan nang mailibing ang dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Una, pinalitan ni Agot ang kanyang profile picture ng blank dark photo, na ginawa ng maraming netizens bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa naging desisyon ng Korte Suprema sa Marcos burial.

Sa isang bahagi ng kanyang post noong November 10, sinabi ni Agot na kahit opinionated siya, pinili niyang maging tahimik sa kanyang reaksiyon sa sitwasyon.

Gayunpaman, mananatili raw siyang mapagmasid at paninindigan ang kanyang mga prinsipyo.

“As opinionated as I am, I know that I would have to deal with this in a more introspective manner.

"I would still remain vigilant, my eyes and ears open to the daily events that unfold.

“But most of all, I would continually hold on, ever so tightly, to equality, freedom of speech, integrity, justice, decency and compassion. Ideas I truly believe in.”

Matatandaang naging kontrobersiyal ang post ni Agot noong October nang tawagin niyang “psychopath” si Pangulong Rodrigo Duterte, pagkatapos hamunin ng presidente ang European Union at United States na i-withdraw ang kanilang pagtulong sa Pilipinas.

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte "psychopath"

Sa Facebook post niya noong November 10, inilarawan ni Agot ang pagkakaroon ng kalituhan at takot sa mga kaganapan dahil taliwas ito sa mga paniniwala ng nakararami.

“What is happening is a global shift. For most of us, it challenges what we know to be right, decent and to some extent, comfortable.

“And so we panic... We are lost, confused and we fearfully, question our beliefs.”

Dagdag niya, “I know that these days, all I can do is work from what is closest to me. I will try to be a good sister, co-worker, neighbor, employer. Hopefully, the goodness will bear fruit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagbigay ng paalala si Agot na huwag bumitaw sa paninindigan at ituro sa susunod na henerasyon ang tamang paniniwala at pagpapahalaga.

"And I know I am in no position to say this, but if you have kids, impart to them what you believe in, show them what you hold dear, what is important to know for their future. That they don't need to fear it."

Pagtatapos ni Agot sa kanyang post: “Tough times ahead, the shifts are tectonic. Where do you stand?”

Sa comments section, nagkomento ang kaibigan ni Agot na si Noel Ferrer, isang talent manager,  at tinalakay ang ilang malalaking kaganapan noong nakaraang linggo—ang SC ruling sa Marcos burial at pagkapanalo ni Donald Trump bilang pangulo ng U.S.

Ang makahulugang sagot ni Agot tungkol sa mga pangyayaring ito: “Yes, we must remain hopeful, kahit ang hirap-hirap na.

“I don't worry about me, I think I will be ok in my remaining years.

“I worry about the future generations.

"Kaya important ang kasaysayan, at ang mga aral na dulot nito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN