Jolo Revilla cheers girlfriend Jodi Sta. Maria as she attends International Emmys

IMAGE Instagram and Twitter

Jolo Revilla once again expresses how proud he is of his "love" Jodi Sta. Maria, who flew to New York for the International Emmy Awards next week. 


Tumulak patungong New York, USA, si Jodi Sta. Maria ngayong Huwebes, November 17, para sa 2016 International Emmys Awards.

Nag-post ng larawan si Jodi, via Instagram, habang nasa airport at bitbit ang mga maleta.

Nakalagay sa caption na dadalo siya sa awards night ng International Emmys, na gaganapin sa Hilton New York Hotel, sa Lunes, November 21 (November 22 sa Pilipinas).

Nominado si Jodi sa Best Actress category para sa kanyang performance bilang Amor Powers sa ABS-CBN primetime series na Pangako Sa ‘Yo, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sabi pa ni Jodi sa caption, sobrang excited siya.

Samantala, muli na namang nag-tweet ang proud boyfriend ni Jodi na si Jolo Revilla.

Sa simpleng tweet ni Jolo noong Martes, November 15, sinabi nitong sobrang proud siya sa kasintahan.

“I’m so proud of you love!” tweet ng aktor at vice governor ng Cavite, na ni-retweet pa ang message sa Twitter ng International Emmys.

Matatandaang nang ianunsiyo ang nominasyon ni Jodi sa International Emmys noong September, nag-tweet din si Jolo upang ipahayag ang kanyang pagmamahal at pagiging proud kay Jodi.

Pinananatili naman ng dalawa ang pagiging pribado ng kanilang relasyon pagdating sa media.

Read: Jolo Revilla calls Jodi Sta. Maria "love of my life" months after announcing their breakup

Samantala, sa Instagram post ni Jodi, nagpahayag din ng suporta sa kanya ang mga kapwa- artista; kagaya nina Luis Manzano, Shaina Magdayao, Gretchen Barretto, JD de Vera, Direk Tonet Jadaone, at Iza Calzado.








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN