Nagpahayag ng kagalakan si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa nominasyon ni Jodi Sta. Maria para sa Best Actress category ng International Emmy Awards 2016.
Nakakuha ng nominasyon si Jodi para sa kanyang pagganap bilang Amor Powers sa remake ng Pangako Sa 'Yo noong nakaraang taon.
Maiksi ngunit malaman at diretso ang mensahe ng Cavite vice governor para kay Jodi sa Twitter nitong Martes ng gabi, September 27.
Tinawag pang “love of my life” ni Jolo ang Kapamilya actress.
“Congratulations to the love of my life! Im so proud of you! I know you'll win!”
Congratulations to the love of my life! Im so proud of you! I know you'll win!:) @JodiStaMaria pic.twitter.com/xRfEaulJ1u
— Jolo Revilla (@jolorevilla) September 27, 2016
Ang nasabing tweet ay indikasyon na may maganda pang namamagitan sa dalawa sa kabila ng pahayag ni Jodi nitong June 21 sa Tonight With Boy Abunda na nagkahiwalay na sila ni Jolo, bagamat nananatili raw silang magkaibigan.
Read: Jodi Sta. Maria confirms breakup with Jolo Revilla: 'We are no longer together, but we are friends.'
Nang sumunod na araw, June 22, iniulat ng PEP ang kumpirmasyon ni Jolo na break na nga sila ni Jodi.
Read: Jolo Revilla on breakup with Jolo Revilla: 'Yes, it's true. It was a mutual decision.'
Nag-iwan ng mensahe ang PEP kay Jolo ngayong gabi upang linawin kung nagkabalikan na ba sila ni Jodi.
Wala pa siyang kasagutan habang isinusulat ang balitang ito.
Makakatunggali ni Jodi sa Best Actress category ng International Emmy Awards 2016 sina Judi Dench (Roald Dahl's Esio Trot, UK), Grazi Massafera (Verdades Secretas, Brazil), at Christiane Paul (Unterm Radar, Germany).
Nakakuha rin ng nominasyon ang ABS-CBN primetime series na Bridges of Love para sa Telenovela category.
Read: Jodi Sta. Maria, Bridges of Love earn nominations in International Emmy Awards 2016
