Agot Isidro, Bianca Gonzalez, Enchong Dee, other celebs condemn Marcos's secret burial

IMAGE Instagram

Agot Isidro, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Angel Aquino, and Dindi Gallardo took to social media to denounce Marcos's burial at the Libingan ng mga Bayani this Friday, November 18.


Ipinahayag ng ilang artista ang kanilang pagkadismaya sa biglaang libing ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos sa Libingan ng mga Bayani nitong Biyernes, November 18.

Kabilang sa mga artistang lakas-loob na nagpahayag ng kanilang pagkontra ay sina Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Agot Isidro, Dindi Gallardo, at Angel Aquino.

Gaya ng maraming Pilipino, ikinagulat ng celebrities na ito ang patagong paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Base sa mga ulat na lumabas sa iba't ibang news sites, bumiyahe ang pamilya Marcos, kasama ang mga labi ng dating pangulo, sa pamamagitan ng tatlong helicopters, mula Ilocos Norte patungong Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, kung saan nakaantabay ang marami at mahigpit na seguridad, kagaya ng Philippine National Police, Philippine Navy, at Armed Forces of the Philippines.

Matapang ang tweet ni Enchong Dee at sinabing pinaninindigan niya ang kanyang dating pahayag na si Marcos ay isang “thief, murderer, dictator.”

Halos ganito rin ang pahayag ng Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez, na noon pa man ay aktibo sa pagpapahayag ng kanyang pagiging kontra-Marcos.

Bagamat simple lang, makabuluhan ang Facebook post ni Agot Isidro kung saan makikita sa larawan ang hilera ng mga puting krus at nag-iisang krus na itim.

Simpleng caption ng singer-actress dito: “Tarnished.”

Madamdamin naman ang post ni Angel Aquino sa kanyang Instagram account, kalakip ang larawan ng mga raliyistang tumutuligsa sa ginanap na Marcos burial.

Hinimok pa ng ng Till I Met You star ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang laban.

“When our feelings are as dark as the shirt on our back because we've been spat on, mocked and ridiculed, all we see is the red in our flag.

“These are times of discomfort and dissent, please wag tayong tumigil until we are heard.

“Tayo naman Ang pakinggan nila because so far they haven't made any real and good decisions for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They trivialize our history, our struggles, our lives as Filipinos. Wag tayo tumigil. This is as much our country as theirs. Our land, our money, our rights.

“We've been passive for too long. Enough.”

Nagpahayag din ng kanyang pakikiisa ang beauty queen-actress na si Dindi Gallardo sa mga kumukontra sa Marcos burial.


Samantala, nauna nang nagpahayag ng pagkontra ang ilang kilalang pulitiko, kagaya nina Vice President Leni Robredo; Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan; at maging ang news anchor na si Ces Drilon at singer na si Jim Paredes

Read: VP Leni Robredo, politicians denounce burial of Marcos ahead of judicial process


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN