Is Kris Aquino's IG post alluding to Marcos burial at Libingan ng mga Bayani?

IMAGE Instagram photo of Kris Aquino

Kris Aquino on purchasing a columbarium vault in Taguig City: "I don't want my sons to be hassled about where to bury me or worry about the maintenance of my mausoleum."


Gaano kaimportante ang lugar ng paglilibigan ng iyong mga labi kapag ikaw ay pumanaw na?

Tila ito ang pahiwatig ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post kagabi, November 20.

Ayon sa Queen of All Media, bahagi dapat ng kanyang ilu-launch na digital media venture na Kris Chronicles ang ipu-post niya.

Pero naisip daw niyang napapanahon ang partikular na video blog.

“I'd written this a couple of weeks back, it's part of my growing collection of essays for our December launch, but it felt appropriate to upload now,” sabi ni Kris.

Sa video, inilahad niya ang kanyang pagbili ng vault sa isang columbarium sa Taguig City.

Dito raw nais ni Kris mailagak ang kanyang mga labi kapag pumanaw na siya.

Katuwiran ng TV host-actress, “I was being practical.

“And I've said several times that I don't want my sons to be hassled about where to bury me or worry about the maintenance of my mausoleum.”

Diin pa niya, “Simple lang naman. Ano bang halaga kung saan ako ililibing, eh, ang goal naman umabot ako sa langit.”

THROWING SHADE ON MARCOS? Bagamat hindi tinukoy ni Kris kung bakit napapanahon ang kanyang video blog, marami sa nakapanood ang nag-ugnay nito sa isyu ng sorpresang paglibing sa dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Biyernes, November 18.

Matatandaang nagkaroon ng petisyon na pigilan ang pagpapalibing ng mga labi ni Marcos sa naturang lugar.

Ngunit sa botong 9-5, na inilabas noong November 8, pinayagan ng Supreme Court na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Makalipas ang sampung araw, lihim na nagsagawa ng burial rites ang pamilya Marcos sa Libingan ng mga Bayani para sa yumaong pangulo, na naupo sa Malacañang sa loob ng 20 taon.

Read: Dictator Ferdinand Edralin Marcos buried at Libingan ng mga Bayani

Napatalsik si Marcos sa Malacañang dahil sa makasaysayang People Power Revolution noong 1986.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namatay siya noong September 28, 1989 habang nasa exile sa Hawaii.

Ang ina ni Kris na si Corazon C. Aquino ang humalili kay Marcos bilang pangulo ng Pilipinas.

Samantala, ang yumaong ama ni Kris na si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ay kabilang sa oposisyon noong rehimeng Marcos.

Sa kanyang pagbabalik mula sa self-imposed exile sa America, nabaril si Ninoy sa Manila International Airport noong 1983.

Ito ang naging umpisa ng popularidad ni Cory Aquino sa pulitika.

Narito ang ilang komento ng netizens sa post ni Kris:








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN