Espesyal ang naging pagdiriwang ng ika-27 kaarawan ni Ejay Falcon ngayong taon dahil ito ay inihanda ng kanyang girlfriend na si Jana Roxas.
Sa kanyang Instagram post kagabi, November 21, kung kailan ipinagdiwang niya ang kanyang birthday, lubos ang pasasalamat ng Kapamilya actor sa Starstruck 3 alumna.
Sa sumunod na post, ibinahagi ng Pasion de Amor actor ang larawan nila ni Jana, na itinuturing niyang “One of the greatest and most amazing blessings i received this year.”
Kasunod nito ay maiksing mensahe para kay Jana: “Thank you for loving me and syempre thanks sa celebration na hinanda mo for me.. You made my 27th birthday extra special. Love you @janaroxas22.”
Ilang taon na rin mula nang huling napabalitang may girlfriend ang dating Pinoy Big Brother: Teen Edition winner.
Ang huli ay ang short-lived relationship nila ng kanyang Dugong Buhay (2013) co-star na si Yam Concepcion.
Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa relasyon nina Ejay at Jana nitong buwan lamang nang mag-post ang aktor ng larawan nilang dalawa na kuha sa Japan.
Read: Ejay Falcon in a relationship with a former StarStruck finalist?
Kasunod nito ay mas naging expressive na si Ejay at madalas na rin ang pag-post niya ng larawan nila ni Jana.
FROM BEST FRIENDS TO LOVERS. Samantala, isang mahabang mensahe naman ang ipinost ni Jana sa kanyang Instagram account para kay Ejay.
Dito ay inilahad niya kung paano napunta sa isang relasyon ang pagiging magkaibigan nilang dalawa.
Aniya, “We started as perfect strangers to best of friends.
“I never thought that we would be this close because we are totally different from each other.
“As time passes by, we bond and share every day with so much joy & happiness together with our close friends whom we considered as our family.”
Dagdag pa niya, “You made me believe that I am worthy to be loved.
“You gave me light in my dim world. Now everything shines because of you.”
At bilang mensahe para kay Ejay, sinabi ni Jana: “Ejay, you deserve everything. You deserve the most beautiful and purest love in this world.”