Vice Ganda touched by messages from fans who will miss him this MMFF 2016

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda says he will still join MMFF in the coming years. "Yung sa iba, go! Yung mga pang-mature ninyo na mga pelikula, yung mga sinasabing pang-matalinong pelikula. Basta sa amin na ang mga bata," he says.


Sasali pa rin daw si Vice Ganda sa mga susunod na Metro Manila Film Festival (MMFF), kahit hindi nakapasok ngayong taon ang pelikula nila ni Coco Martin na Super Parental Guardians (SPG).

Mula 2011, ngayon lamang hindi magkakaroon ng entry si Vice sa annual film festival.

Read: MMFF 2016 official entries revealed

Pahayag ni Vice, “Sasali pa rin, kasi panata na nga ito.

“Panata na namin na kailangan pasayahin namin ang mga bata.

“Sa mga bata, kami na ang in-charge dun, sige, kami na ang bahala.

“Yung sa iba, go! Yung mga pang-mature ninyo na mga pelikula, yung mga sinasabing pang-matalinong pelikula.

“Basta sa amin na ang mga bata.”

Patuloy niya, “Tinweet ko nga yun kahapon na panata ko na yun, na dapat taun-taon mayroon kaming regalo sa mga pamilyang Filipino, lalo na sa mga bata.

“Kasi ang Pasko, para talaga sa mga bata ‘yan, e.

“Ito yung panahon kung saan gusto nilang lumabas ng bahay kasama ang mga magulang nila.

“Pumunta sa mall, sabay-sabay silang manood ng sine, magtatawanan sila, kakain sila sa labas.

“Kaya kailangan may isa kang ipapasalubong sa kanila kapag lumabas sila ng bahay, at ito yun.

“Ito yung ginawa namin nina Coco, ang Super Parental Guardians.”

Sa loob ng limang taon ay palaging highest-grossing film ang MMFF entries ni Vice: The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011), Sisterakas (2012), Girl Boy Bakla Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), at Beauty and the Bestie (2015).

Hindi ba sumama ang loob niya na naitsapuwera ng screening committee ng MMFF 2016 ang kanyang pinagbibidahang pelikula?

Tugon ni Vice, “Wala naman, kasi kahit naman ano ang mangyari, ang mahalaga mayroon kaming produktong ihahain sa mga manonood.

“Yung date lang naman ang nagkatalo, date lang ang naiba.

“Pero ganun pa rin, buo pa rin yung regalo, may matatanggap pa rin ang mga manonood.”

Sa halip na sa Kapaskuhan mapapanood ang pelikula nina Vice at Coco, ipalalabas na ito sa November 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vice sa studio ng It’s Showtime, sa ABS-CBN compound, kahapon, November 21.

MMFF 2016 ENTRIES. Sari-sari ang reaksiyon ng netizens sa napiling walong pelikula na magiging official entries ngayong MMFF 2016.

Halos lahat ay nasa kategoryang indie movies at walang naglalakihang pelikula mula sa malalaking produksiyon; kagaya ng SPG ng Star Cinema at Viva Films, Enteng Kabisote 10 and the Abangers ng OctoArts Films, at Mano Po 7: Tsinoy ng Regal Entertainment.

Read: MMFF officials deny snubbing big franchise films in MMFF 2016 screening process

Ikinakataba ng puso ni Vice ang mga komentong nabasa niya sa social media na hindi raw kumpleto ang MMFF 2016 dahil wala siyang pelikula.

Saad niya, “Actually, nung sinabi sa akin na hindi kami pumasok sa filmfest, na-sad ako.

“Normal namang malungkot, sabi ko, ‘Ay, sayang, wala akong pelikula sa filmfest.’

“Tapos nung umuwi na ako, nagbasa ako ng tweets sa #MMFF2016, naiyak ako.

“Sabi ko, ‘Ang sarap naman sa pakiramdam na ganun ang nabasa ko.’

“Halos lahat, siguro 99 percent, puro positibo.

“Dun ko na-realize na mayroon pala akong naibahagi na maganda sa pamilyang Filipino, na naaalala at inaabangan nila every year na.

“Dun ako na-touch, may maganda rin palang naidulot ang mga pelikula ko.

“Sila ang nagsasabi, napasaya sila nito ilang Pasko na.

“At ito uli yung gusto nilang maramdaman ngayong Pasko, na mapanood nila ang pelikula ko at sumaya sila uli.”

Dagdag pa niya, “Naano talaga ang puso ko, naiyak ako.

“Nakatulog nga ako, sabi ko, ‘Napagod ako dito, ha, na-touch ako kaya nagpasalamat ako sa Twitter.

“Sabi ko, maraming salamat.”

Marami rin ang nagsasabing dahil sa hindi pagpasok ng mainstream movies ngayong MMFF 2016, hindi maaabot ang target na P1.5 billion box-office gross ngayong taon.

Ano ang masasabi ni Vice tungkol dito?

Aniya, “Ay, hindi ko na masasabi yun, kasi hindi ko rin naman hawak yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It will be very bragging kung sasabihin, ‘Ah, ang laki ng mawawala sa inyo dahil sa pelikula ko.’ Hindi naman ganun ang labanan.

“Ang sa akin, nanghinayang ako na malaki ang mawawala sa ngiti sa mukha ng mga bata na hindi nila mapapanood ang pelikula ko sa Pasko.

“Yun ang nanghinayang ako, ‘Sayang naman, walang papanoorin ang mga bata.’

“Kasi nung nakita ko yung line-up, I’m not sure, ha, pero parang sabi ko, parang walang masyadong pambata.

“Mukhang magaganda yung mga pelikula din, kasi lahat naman yun pinaghirapan ng lahat ng gumawa ng pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN