Piolo Pascual affected by negative comments about intimate dance video with Shaina Magdayao

IMAGE Allan Sancon

Piolo Pascual admits he still goes out with Shaina Magdayao: "Yeah, hindi naman kailangang kaming dalawa lang. Puwede namang maraming tao, puwede naman kami. Okay na yun."


Inamin ni Piolo Pascual na naapektuhan siya sa mga negatibong komento pagkatapos niyang i-post sa Instagram ang video habang nagdi-dirty dancing sila ni Shaina Magdayao noong nakaraang Star Magic Ball.

Dahil dito ay binura ni Piolo ang naturang video.

Read: Piolo Pascual deletes intimate dance video with Shaina Magdayao on Instagram

Pahayag ng Kapamilya matinee idol, “It was uncalled for, medyo naapektuhan ako.

“Like any normal day, naaapektuhan tayo ng mga bashing, sa kung anong mga sinasabi.

“Hindi maiiwasan na ma-tag ka, so once you check your account and you get all those tags, and when you read what they write, minsan nakakapikon din.

“After a while, I realized it was not right, it’s just that.

“Even Shai, I asked if I can repost it, and she said yes.

“But, at the end of the day, hindi mo naman kailangan… hindi naman kailangang pumatol.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa 8th SunPiology Run sa Camp Aguinaldo, noong Sabado, November 19.

Bagamat hindi sila kailanman umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon, maraming naniniwala na may namagitan kina Piolo at Shaina.

Kaya naman marami rin ang nagtatanong kung may pag-asang magkabalikan sila, pagkatapos mapanood ang kanilang video na nagsasayaw.

Ayon sa aktor, “Shai and I are very close.

“I mean, you know, given a chance, it’s just we’re both busy.

“But if there’s really one person closest to my heart, it’s really Shai.”

Hindi rin itinanggi ni Piolo na hanggang ngayon ay lumalabas pa rin sila ng aktres.

“Yeah, hindi naman kailangang kaming dalawa lang.

“Puwede namang maraming tao, puwede naman kami.

“Okay na yun,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN