Piolo Pascual deletes intimate dance video with Shaina Magdayao on Instagram

IMAGE @charmbang / @elle_fan_acct Instagram

Based on his October 25 Instagram post (left photo), Piolo Pascual was seen dancing intimately with Shaina Magdayao at the recently-concluded Star Magic Ball. It can be recalled that the two were romantically linked to each other from 2012 to 2014.


Ginulat ni Piolo Pascual ang kanyang Instagram followers nang ibahagi niya ang video ng intimate dance nila ni Shaina Magdayao nitong nakaraang Star Magic Ball.

Dito ay makikitang nakayakap si Piolo kay Shaina habang nagsasayaw sa after party ng Star Magic Ball, na ginanap sa Makati Shangri-La hotel, noong Sabado, October 22.

Kapansin-pansin ding panay ang haplos ni Piolo sa kanang balikat at braso ng 26-year-old actress.

Kalakip nito ang Instagram caption ni Piolo na nagsasabing: “We also know how to have fun and enjoy the night.”

Ibinahagi ng 39-year-old actor ang video na ito sa kanyang Instagram kahapon, October 25.

Ngunit ngayong Huwebes, October 25, ay burado na ang naturang Instagram video, dahil marahil sa negative comments ng ibang netizens tungkol dito.

Gayunman, may ilang supporters sina Piolo at Shaina ang nakapag-save ng intimate dance video nila.

SWEET MOMENTS. Kumalat din sa social media ang mga larawang nagpapakita ng pagiging malapit nina Piolo at Shaina sa isa’t isa.


May isa ring larawan kung saan makikitang nagbubulungan ang dalawa.


PAST ROMANCE? Matatandaang naugnay sina Piolo at Shaina matapos ng kanilang Singapore trip noong October 2012.

Mula noon ay makailang-beses namataan ang pagiging sweet ng rumored couple. Kabilang dito ang mga larawan nilang magka-holding hands na nakunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2013.

LOOK: Piolo Pascual and Shaina Magdayao: Are they an item or not?

Hindi man sila direktang umamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon, noong 2014 ay lumabas ang balitang hiwalay na sila.

Sa panayam kay Piolo noong June 2014, sinabi ng aktor na itinuring niyang “special friend” si Shaina.

Hindi raw umusbong ang pagkakamabutihan nila noon dahil “pareho kaming busy.”

Read: Piolo Pascual says Shaina Magdayao remains a special friend: "Siya lang naman yung huling nakasama ko na in an intimate way."

Halos pareho rin ang pahayag ni Shaina na nagsasabing “nakapakabait na kaibigan” ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Shaina Magdayao on rumored breakup with Piolo Pascual: "Grabe naman. Napaka-OA ninyo!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN