Eric Quizon reacts to Zsa Zsa Padilla-Conrad Onglao reconciliation

IMAGE Noel Orsal

Eric Quizon says he's not privy to Zsa Zsa Padilla's relationship with architect Conrad Onglao: "If she tells me kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin, well and good. But I'm not the first one to ask, kasi it's a private matter."


Natutuwa raw si Eric Quizon na nagkabalikan na ang stepmother niyang si Zsa Zsa Padilla at ang arkitektong si Conrad Onglao.

Kung matatandaan, sina Zsa Zsa at Conrad ay nagkahiwalay early this year, pero nitong Oktubre ay pumutok ang balitang muling nagkakamabutihan ang dalawa.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao together again, says report

Si Eric ay anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, na naging longtime partner ng Divine Diva.

Ayon kay Eric, “Well, I think they're old enough to decide whatever they want.

“You know, if it's love, it's really love. You can't do anything about that.

“Maski anong paghihiwalay ang mangyari, kung talagang mahal at nagkakaintindihan sila, if they respect each other, they love each other, they trust each other, wala tayong magagawa dun.”

PRIVATE RELATIONSHIP. Sa pagkakataong ito, mas gusto raw ni Zsa Zsa na gawing pribado ang relasyon nila ni Conrad.

Ano ang opinyon ni Eric tungkol dito?

Tugon niya, “Well, it's a choice.

“Kung sa tingin nila na mas makakabuti sa kanilang relasyon, then let it be.

“Kasi, kung tutuusin naman talaga, ang relationship, nasa iyo 'yan kung gusto mong sabihin sa tao o hindi.

“Pero definitely, kung mas private siya, it would be better for them.”

Ayon pa kay Eric, bagamat lagi silang nag-uusap ni Zsa Zsa, hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa relasyon nito kay Conrad.

“Yeah, I always have the chance to talk to her.

“I always talk to her, pero hindi na namin pinag-uusapan yun.

“So, understood na yun.

“If she tells me kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin, well and good.

“But I'm not the first one to ask, kasi it's a private matter.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eric sa grand presscon ng pelikulang Chinoy: Mano Po 7, sa Valencia Events Place, Quezon City, kahapon, November 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa si Eric sa cast members ng pelikulang ito ng Regal Entertainment Inc. na ipalalabas sa December 14.

MMFF 2016. Isa ang Mano Po 7 sa malalaking pelikula na hindi nakasama sa official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Ano ang naging reaksiyon ni Eric na hindi nakasama ang kanilang pelikula, gayong lahat ng Mano Po movies ay naging MMFF entries noong mga nakaraang taon?

Saad ng actor-director, “Sabi ko nga, we're all welcome to change naman.

“Kaya lang, my question naman is that, 'Is the Filipino audience ready for that?'

“Kasi, like nga ng sinabi ni Mother [Lily Monteverde], ang Metro Manila Filmfest ay pampaskong Pilipino 'yan, di ba?

“Kung anuman, hindi ko alam kung it would be accepted by them—the Filipino audience.

“So, sana... well, malalaman natin 'yan sa box-office result kung ganyan talaga ang gusto ng tao.

“Let's see what the box-office turnout would be.

“Yun naman talaga 'yan, e.

Patuloy niya, “If the box-office turnout ay hindi maganda, I'm sure ibabalik nila 'yan sa dati.

“Let's see kung hahanapin ba ng mga tao yung mga pelikulang pambata.

“Will they accept this new ruling na ang filmfest ba ay pang mas makabuluhan, masasabi nating mas may international theme.

“Is the Filipino audience ready to see that during Christmas time?

“Tingnan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN