Jolo Revilla still proud of Jodi Sta. Maria despite her loss at International Emmys

IMAGE Twitter (Jolo Revilla)

Jolo Revilla tweets a touching message for girlfriend Jodi Sta. Maria, who was nominated for Best Actress at the 2016 International Emmys. Jodi lost to a German actress.


Panalo pa rin si Jodi Sta. Maria para sa boyfriend nitong si Cavite Vice Governor Jolo Revilla kahit na hindi naiuwi ng Kapamilya star ang Best Actress trophy sa International Emmys.

Nominated si Jodi sa nasabing international award-giving body para sa kanyang pagganap bilang Amor Powers sa ABS-CBN drama series na Pangako Sa ‘Yo.

Ang nanalo ay si Christiane Paul ng Germany para sa pagganap nito sa Under the Radar.

Um-attend si Jodi sa awards night na ginanap sa U.S. nitong November 21 (November 22 sa Pilipinas).

Read: Jodi Sta. Maria fails to win at 2016 International Emmy Awards

Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Jolo ang kanyang pagbati kay Jodi dahil sa pagbibigay-karangalan nito sa bansa.

Kalakip nito ang larawan nilang dalawa kung saan buhat-buhat ni Jolo si Jodi.

“Congratulations love @JodiStaMaria ! You are indeed a pride of our country! Always stay humble & continue to inspire others! I love you! [heart emoticon]”

Ilang beses na ring idinadaan ni Jolo sa social media ang pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa aktres.

Sa kabilang banda, panay ang iwas ni Jodi sa interviews kapag natatanong tungkol sa relasyon nila ng Cavite vice governor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN