Kerwin Espinosa clears Richard Gomez of drug allegations

IMAGE GMA News / Instagram

Inabswelto ni Kerwin Espinosa, na umaming drug "distributor" siya, ang pangalan ng aktor at Ormoc City Mayor Richard Gomez sa isinasagawang Senate inquiry ngayong araw, November 23, kaugnay ng pagpatay sa ama ni Kerwin na si Albuera Mayor Ronald Espinosa Sr.


Abswelto si Ormoc Mayor Richard Gomez sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa illegal drug trade ng mga pulis na sinampahan niya ng kasong administratibo sa NAPOLCOM noong nakaraang linggo.

Read: Mayor Richard Gomez files administrative cases vs three police officers over drug allegation

Mismong ang sinasabing drug lord na si Kerwin Espinosa ang nagsabing wala siyang transaksyon sa aktor, na nahalal na alkalde ng Ormoc City noong May 2016.

“Hindi kaya ako barilin? MAD ‘yan, walang kaalam-alam ‘yan,” pahayag ni Espinosa sa ginaganap na Senate inquiry ngayong Miyerkules, November 23.

Ang MAD o Mamamayan Ayaw Sa Droga ay ang dating organisasyon na pinamunuan ni Richard na ang layunin ay labanan ang paglaganap ng ilegal na droga.

Nilinis ni Espinosa ang pangalan ni Richard nang tanungin siya ni Senator Panfilo Lacson tungkol sa pagbebenta niya ng prohibited drugs at sa mga personalidad na pinagbibintangang kasabwat sa kanyang illegal activities.

SEN. LEILA DE LIMA. Detalyado ring ikinuwento ni Espinosa ang pagtatagpo diumano nila ni Senator Leila de Lima, sa pamamagitan ng ex-boyfriend at driver nitong si Ronnie Dayan, sa Burnham Park, Baguio City, noong 2015, at ang pagbibigay raw niya ng pera sa kakandidato pa lamang noong senadora.

Sinabi ni Espinosa na nagkaroon pa siya ng photo op kay De Lima sa Burnham Park, kasama ang pamilya niya.

Lumabas ang nasabing larawan sa ilang news websites at pahayagan.


Binigyan ni Lacson ng pagkakataon si De Lima na magsalita tungkol sa harap-harapang akusasyon sa kanya ni Espinosa.

Pinabulaan ng senadora na kilala niya o nakatagpo maski saan si Espinosa.

Sinabi ni De Lima: "...sa punto nung kanyang testimonya ngayon, about me having received money, having talked to him, having met him anywhere, whether it’s Burnham, anywhere, ay total fabrication."

Ngunit hindi raw niya gustong mag-cross examine kay Kerwin.

Mariing pahayag ni De Lima, “I have no intention to ask questions, even if I want to, ‘coz I think it would be a cross-examiner’s dream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I feel it would be pointless, useless, futile for me to do so.”

Tinawag din ni De Lima na “nice script” ang testimonya ni Espinosa tungkol sa kanya.

Ang kabuuan ng sinabi ng senadora: “Let me say to my colleagues, here and everyone here in this hall and to everyone listening and watching these proceedings, I say this to you, I categorically, firmly, and absolutely deny having known Mr. Kerwin Espinosa.

“I do not remember any instance or occasion of having met him.

“I categorically, firmly, and absolutely deny having received any money, any cash from Mr. Kerwin Espinosa, either directly, or indirectly to anyone else, in any occasion and any time, whether that money is also linked for either protection or fundraising for campaign expenses.

“Alam po ‘yan ni Mr. Kerwin Espinosa, na sa punto nung kanyang testimonya ngayon, about me having received money, having talked to him, having met him anywhere, whether it’s Burnham, anywhere, ay total fabrication.

“To me, that testimony is under gunpoint, under duress, so it’s pointless for me to conduct or to question him on those points.

“And I also feel that it would be not appropriate for me to do so because there would be questions on my objectivity, on my interests, because I’m being implicated expressly as having received that money.

“Kaya hindi po ako magtatanong sa kanya.

“I would want to give my colleagues free hand, full liberty in questioning Mr. Kerwin Espinosa about any part of his testimony.

“Final message ko po kay Mr. Kerwin Espinosa, I cannot talk to him directly, but may I just say this, may God forgive you for all your sins and may God forgive you for all your lies about me, and I forgive you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN