Richard Gomez issues statement after Kerwin Espinosa clears his name

IMAGE Noel Orsal

Naniniwala si Ormoc Mayor Richard Gomez na napulitika siya sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa illegal drug trade sa Eastern Visayas. Kaya naman nagpapasalamat siya sa lahat ng nakiisa sa kanyang laban upang malinis ang kanyang pangalan.


“Salamat sa lahat ng patuloy na naniniwala at sumuporta sa akin sa laban na ito.”

Ito ang bahagi ng reaksiyon ni Mayor Richard Gomez ng Ormoc City pagkatapos linisin ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa ang kanyang pangalan sa isinasagawang Senate inquiry ngayong araw, November 23.

Matatandaang sa testimonya ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 Chief Inspector Leo Laraga sa isinagawang hearing ng Senate public order committee noong November 11, kaugnay ng pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., ama ni Kerwin, pinangalanan niya si Richard na kabilang diumano sa drug protectors sa Eastern Visayas.

Read: Mayor Richard Gomez files administrative cases vs three police officers over drug allegation

Ngunit sa pagharap ni Kerwin sa Senado ngayong araw, itinanggi niyang may kinalaman si Richard sa drug trade sa kanilang lugar.

Sabi ni Kerwin tungkol sa actor-politician: “Di kaya ako barilin niyan? MAD 'yan. Walang kinalaman ‘yan.”

Ang MAD ay ang Mamamayan Ayaw sa Droga, isang organisasyong pinamunuan ni Richard na maigting na lumalaban sa paggamit ng illegal drugs.

Sinabi rin ni Kerwin, nang muli siyang usisain tungkol kay Richard ni Senator Manny Pacquiao, na si Richard ay "malinis na tao," at walang kinalaman sa droga.

Read: Kerwin Espinosa clears Richard Gomez of drug allegations

Pahayag pa ni Richard sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, “It clearly shows that what happened was political.

“Kerwin clearly said na ang boss ni Major Espenido ay ang mga Codilla.”

Ang tinutukoy ni Mayor Gomez na Major Espenido ay ang kasalukuyang Albuera Municipal Police Chief na si Chief Inspector Jovie Espenido.

Ang mga Codilla naman ay ang mainpluwensiyang political clan sa Ormoc na nakalaban ng aktor noong eleksyon.

Panawagan pa ni Richard sa mga tagapamuno ng kapulisan: “Dapat ilagay sa suspension status si Major Espenido because this is all his doing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang matinding pinalagan ng actor-politician ang akusasyon sa kanya na diumano’y sangkot siya sa Espinosa drug group.

Read: Richard Gomez vehemently denies involvement in Espinosa drug group: "That is ridiculous and outright laughable."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN