Ellen Adarna tight-lipped on kissing photo with Baste Duterte

IMAGE Nerisa Almo

Tikom pa rin ang bibig ng sexy actress na si Ellen Adarna kaugnay ng kumalat na kissing photo nila ng presidential son na si Baste Duterte. 


Pigil na pigil si Ellen Adarna na magbigay ng anumang pahayag sa viral kissing photo nila ni Sebastian “Baste” Duterte kamakailan.

Sa naturang larawan, makikitang nakahalikan sa labi ni Ellen ang ikalawang anak na lalaki ni President Rodrigo Duterte.

Read: Baste Duterte and Ellen Adarna kissing photo leaked on Instagram

Matapos ang presscon proper ng upcoming daytime series ng ABS-CBN na Langit Lupa ngayong araw, November 23, agad na nilapitan ng entertainment reporters si Ellen, na kasama sa serye, upang tanungin tungkol sa viral na larawan.

“It's not...” putol niya sa sarili.

Halatang pinigilan ni Ellen ang sariling magsalita at tanging ngiti lamang ang ibinigay niya sa reporters.

Pagkatapos nito ay agad siyang umalis palabas ng Dolphy Theater ng ABS-CBN, kung saan naganap ang presscon.

What is Ellen Adarna's reaction to viral kissing photo with Baste Duterte?

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Sa ngayon, kahit si Baste ay wala pang pahayag tungkol sa larawan nila ng Kapamilya actress.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager ni Baste na si Betchay Vidanes, sinabi nitong hindi niya pinakikialaman ang personal na pakikipagrelasyon ng kanyang mga talent.

Gayunman, nilinaw ni Betchay na: “[Baste] is not married and he doesn’t label his relationships.”

Sa family photo ng mga Duterte noong inauguration ni Pangulong Duterte, makikitang kasama ni Baste ang long-time girlfriend niyang si Kate Necessario.

Sila ay may dalawang taong gulang na anak na lalaki.

Read: Where is President Rody Duterte's second family during his inauguration?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN