Patrick Garcia reveals visitation agreement with Jennylyn Mercado

IMAGE Mark Atienza

Patrick Garcia (in photo, with wife Nikka Martinez) on being a real-life father: "Yes, of course. Masarap, e. For me, it's a nice feeling to be a father, to play a role as a father in real life, and I enjoy it, e."


Lingid sa kaalaman ng marami, pumunta si Patrick Garcia at ang misis nitong si Nikka Martinez sa burol noon ng tumatayong ina ni Jennylyn Mercado na si Mrs. Lydia Mercado.

Sina Patrick at Jennylyn ay dating magkarelasyon at mayroon silang isang anak na lalaki—ang 8-year-old na si Alex Jazz.

Isa si Mommy Lydia sa mga nag-alaga noon kay Jazz.

Pumanaw si Mommy Lydia dahil sa sakit na pneumonia noong October 29.

Read: Jennylyn Mercado's Mommy Lydia dies at 74

Lahad ni Patrick, “My wife and I went there.

“It’s unfortunate, I know how much Tita Lydia loves Jazz.

“Siya yung nag-aalaga dun kasi pag wala si Jen.

“It’s a big loss, siyempre sayang.

“But, you know, that’s how life is and we have to deal with it.

“Tulong-tulong na lang kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Patrick sa press conference ng upcoming daytime drama series ng ABS-CBN na Langit Lupa, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kahapon, November 23.

RELATIONSHIP WITH JENNYLYN. Sa ngayon, masasabi ni Patrick na maayos na ang relasyon nila ni Jennylyn.

“I would like to think na okay na okay kami.

“Wala naman kaming problema, we communicate.”

Malaya na raw siyang nakakadalaw sa anak, pero hindi nga lang sila nakakalabas gaya ng dati.

Saad ni Patrick, “Jen prefers na if I want to see my son, just go to the house lang.

“Siguro dun, control niya ang environment sa bahay niya.

“She’s being a mom to Jazz, siguro yun ang gusto niya, sumusunod lang ako.

“Dati kasi nahihiram ko, dati natutulog pa sa bahay ko ‘yan.”

Ano ang dahilan kung bakit hindi na niya nahihiram ang kanilang anak?

Sagot ng aktor, “Hindi ko alam, I don’t know.”

PATRICK AS A DAD. May dalawang anak na rin si Patrick sa kanyang misis na si Nikka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktor, nae-enjoy niya ang pagiging isang ama.

“Yes, of course. Masarap, e.

“For me, it’s a nice feeling to be a father, to play a role as a father in real life, and I enjoy it, e.”

Bilang isang ama sa tunay na buhay, malaking tulong daw ito kay Patrick upang higit na magampanan ang role ng isang ama sa isang proyekto.

Aniya, “I think it’s an advantage in some way or another.

“In a way, I think it could be an advantage. Tatay ka rin, tapos yung role mo, tatay.

“You know how to deal with kids, how to talk to them.

“Depende rin kung ano ang sinasabi ng script, e, kung saan ang pagiging tatay mo.

“Sa script, iba ang nakasulat, iba yung pagtrato sa mga anak, dun na nagkaka-conflict.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN