Actress Mercedes Cabral blasts Mother Lily for her statement about indie films in MMFF 2016

IMAGE File (Mercedes) / Noel Orsal (Mother Lily)

Mercedes Cabral to Mother Lily Monteverde: "Kayo lang ba ang may karapatan magpalabas ng pelikula tuwing Pasko?"


Hindi naging maganda ang reaksiyon ng ilang taga-indie films sa mga binitawang salita ng Regal matriarch na si Lily Monteverde kaugnay ng napiling official entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Ito ay matapos hindi makapasok ang entry ng Regal Entertainment Inc. na Mano Po 7: Chinoy sa walong official entries ngayong taon.

Inamin ni Mother Lily na dismayado at iniyakan niya ang pangyayaring ito, at pinansin na ang karamihan ng mga napiling entries ay indie films.

Sa press conference ng Mano Po 7 noong Martes, November 22, sinabi ni Mother Lily na ang Christmas season ay hindi panahon para magpalabas ng indie movies.

“There is a time for the indie movies. But not during the Christmas season. Christmas is for the family,” ayon pa sa lady producer.

Read: Mother Lily on MMFF 2016 entries: "There is a time for the indie movies, but not Christmas season."

Sa mga nakaraang MMFF, palaging napipili ang mga pelikula ng Regal Films; tulad ng Mano Po at Shake, Rattle & Roll franchises.

Maliban sa Mano Po 7 ng Regal, hindi rin nakapasok ang entry ng APT Films at OctoArts Films na Enteng Kabisote 10 and the Abangers, na pinagbibidahan ni Vic Sotto, at ang The Super Parental Guardians ng Star Cinema, kung saan bida sina Vice Ganda at Coco Martin.

PEPsters, pasok ba sa listahan ang mga inaasahan ninyong pelikula para sa #MMFF2016?

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

NEGATIVE REACTIONS. Dahil sa sinabi ni Mother Lily, hindi naiwasang mag-react ng ilang personalidad na kabilang sa mga pelikulang nakapasok sa MMFF 2016.

Isa na rito ang indie film actress na si Mercedes Cabral, na nag-post ng kanyang saloobin sa Facebook.

Matapang niyang pahayag tungkol kay Mother Lily: “Nakakaawa ang mga bata???

“Sabihin mo lang e ang habol mo lang e kita ng pelikula mo.

“Saka bayaran mo ng maayos mga tao mo. Ni hindi ka nga makapa bayad ng matino sa mga taong nagtatatrabaho sa 'yo e.

“At kayo lang ba ang may karapatan magpalabas ng pelikula tuwing pasko? F***ing idiot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huling pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook account ni Mercedes, wala na ang post niyang ito sa kanyang timeline.

Ang pelikulang Oro, na kinabibilangan ni Mercedes, ang isa sa mga walong pelikulang napili para sa MMFF 2016. Kasama niya rito sina Joem Bascon at Irma Adlawan.

Tila patama rin sa naging pahayag ni Mother Lily ang Facebook post ng direktor ng Oro na si Alvin Yapan.

Kahapon, November 23, nag-post siya nito: "'BATA': A much abused term in Filipino film discourse.”

Dagdag pa ng direktor sa comment section ng naturang post: “Ito kasing Masa, Bata, at Bayan, they are more of advocacies being deployed to attract an audience, with an insiduous profit motive, of course.

“Supposed to be, in marketing, one can never go wrong when you invoke these categories of class, age, and sense of nation.”


Bukod kina Mercedes at Direk Alvin, nauna nang nagbigay ng pahayag ang director-producer na si Erik Matti tungkol sa pagkakasali ng indie films sa MMFF 2016.

Aniya, “Ang indie at mainstream ay parehong pelikula rin lang at wag na po ihiwalay sa isa't isa.”

Hinimok din niya ang mga manonood na panoorin ang mga pelikula sa MMFF 2016: “Bigyan naman natin ng chance na umubra bago husgahan.”

Read: Erik Matti defends indie films selected for MMFF 2016

HITS BACK AT MERCEDES. Samantala, tila nagbigay naman ng babala ang character actor na si Manny Castañeda para kay Mercedes kaugnay ng naging pahayag nito laban sa batikang movie producer.

Aniya, "To Mercedes Cabral, whoever you are and whatever claim to fame you have in the industry... just a word of warning... beware of hubris."

Tinawag din ang pansin ni Mercedes ng screenwriter na si Senedy Que dahil sa sinabi ng aktres tungkol kay Mother Lily.

Pahayag ng screenwriter ng The Escort sa kanyang Facebook post:Teka Naman, Mercedes... okay naman mag-express ng kuro-kuro—we are a free country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But to show disrespect for a particular person, especially an icon who has produced some of the best all-time Filipino movies and call her a 'fucking idiot'–kay yabang mo naman! love pa naman kita bilang isang aktres!

“TAMA! May karapatan lahat ng klaseng pelikula ipalabas sa MMFF - nagkataon lang na iba ang pamantayan at pinili ng iilan ang mapapasali sa screening committee para paniguradong maisulong ang pamantayang ito... :))

“Respeto lang. Ako mismo, I am supporting all the 2016 MMFF films kahit hindi ako lubos na sumasang-ayon sa resulta - pelikula ko man o hindi ang napasali.”

Kasunod nito ay kinuwestiyon ni Senedy ang suporta ng mga lumalaban para sa indie films.

Aniya, “Lahat ba kayo na nagcha-champion ng pagbabagong ito ay nanood at sumuporta?

“Where were all the indie film supporters to make Thy Womb and Honor Thy Father big hits and send a clear message to uplift Philippine cinema?

“Iisa nga lang, hindi natin nasuportahan.

“Puro lang pang aalipusta sa mga 'pel[i]kulang basura' pero waley naman sa mga sinehan na nagpapalabas ng matitinong indie films.”

Paalala pa ni Senedy kay Mercedes: “Expressing your opinion is fine.

“Being disrespectful and insulting another filmmaker or producer - whether mainstream or indie - is foul! Just saying... :))

“Support na lang tayo sa 2016 MMFF whatever we feel about the entries! walang insultuhan at alipustahan, lalo na kung personal attack! :))”




Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Mercedes at ng iba pang mga nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN