Ronnie Dayan spills details of past affair with Sen. Leila de Lima

IMAGE Screen grab from GMA News / Noel Orsal

Ronnie Dayan on his affair with Senator Leila de Lima: "Bago pumasok yung 2015, nagkakalabuan na kami ni Ma'am. Kesyo hindi na daw kami masaya sa pagsasama namin. Lagi kasing bangayan at laging nag-aaway kami."


Ipinagtapat ng ex-boyfriend at dating driver/bodyguard ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan na tumagal ng pitong taon ang kanilang relasyon.

Pero naghiwalay raw sila noong 2015 dahil napapadalas ang pag-aaway nila.

Sabi pa ni Dayan, nasampal niya si De Lima dahil sa naging relasyon nito kay Warren Cristobal, ang MMDA security escort ng senadora noong Justice Secretary pa ito.

Umani naman ng malakas na tawanan sa Congressional hearing ang sinabi ni Dayan kay De Lima na: “Uubusin mo yata kaming mga security mo!”

Ilan lamang ito sa mga highlight ng testimonya ni Dayan sa isinasagawang Congressional hearing ngayong Huwebes, November 24.

Ang pagharap ni Dayan sa House of Representative justice committee ay bahagi ng pagpapatuloy ng imbestigasyon sa nagaganap na drug trafficking diumano sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Lahad ni Dayan tungkol sa relasyon nila ni De Lima, “Bago pumasok yung 2015, nagkakalabuan na kami ni Ma’am.

“Kesyo hindi na daw kami masaya sa pagsasama namin.

“Lagi kasing bangayan at laging nag-aaway kami.

“Kaya nang mabalitaan ko na yung isang hagad niya, na ang pangalan ay Warren Cristobal, ang kanyang boyfriend, parang nasampal ko nang bahagya si Ma’am.

“Sabi ko, ‘Uubusin mo yata kaming mga security mo, a!’

“Kaya simula noong January, bihira na akong pumasok sa DOJ, bihira na akong sumama sa kanya, at nag-stay ako sa Pangasinan.”

Parehong may asawa sina De Lima at Dayan, ngunit pareho na silang hiwalay sa mga ito.

FINANCIAL ASSISTANCE. Inamin din ni Dayan na binigyan siya ni De Lima ng P2 million para maipagawa niya ang kanyang bahay sa Pangasinan.

Humingi rin daw siya kay De Lima ng P120,000 para pambili sa lupa na pinagtayuan ng bahay niya.

Sinabi rin ni Dayan na tumanggap si De Lima ng pera mula sa drug lord na si Kerwin Espinosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Kerwin Espinosa, hindi ko nga alam na drug lord nung nag-abutan kami.

“Ang alam ko dun, engineer siya, kaya sabi ko, siguro yung engineer na sinasabi ni Ma’am.

“Pero ang sabi ni Ma’am, may nagbigay nga ng Starex sa kanya, isang engineer daw.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bago na naman ang sasakyan ninyo,’” lahad ng dating miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ni ex-President Noynoy Aquino.

Bago ang pagharap na ito ni Dayan, hindi siya sumipot noon sa Congressional hearing sa kabila ng imbitasyon sa kanya dahil pinigilan umano siya ni De Lima.

Humantong ito sa pagkakaaresto niya noong Martes, November 22, sa La Union.

Matatandaang unang inamin ni Senator Leila de Lima ang naging relasyon nila ni Ronnie Dayan sa panayam niya kay Winnie Monsod, sa programang Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie ng GMA News TV, na umere noong November 14.

Read: Senator Leila de Lima admits past affair with former driver/bodyguard


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN