Senator Leila de Lima admits past affair with former driver/bodyguard

IMAGE Leila de Lima Facebook

Senator Leila de Lima on relationship with former driver/boyfriend Ronnie Dayan: "We became so close. That's it. I trusted him. Siyempre, naano po ang loob ko."


Totoong nagkaroon ng relasyon si Senator Leila de Lima sa kanyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Ito ay inamin mismo ng senadora sa exclusive interview sa kanya ni Winnie Monsod para sa GMA News TV program na Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie, na umere nitong Lunes, November 14.

Inilarawan ni Senator De Lima ang kanyang relasyon kay Dayan bilang "frailties of a woman."

Matagal na raw hiwalay si Dayan sa asawa nito.

Tinapos na rin daw ni De Lima ang relasyon nila ng kanyang dating driver-bodyguard bago pa man siya tumakbo bilang senator.

Nang tanungin kung gaano katagal ang kanilang naging relasyon, sagot ng senadora: "A few years."

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsiwalat ng relasyon ni De Lima kay Dayan.

Read: President Duterte claims Sen. De Lima has another lover besides her driver

Base sa akusasyon laban sa senadora, si Dayan diumano ang tumatanggap ng pera mula sa ilang drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison para ibigay kay De Lima, na noo'y secretary ng Department of Justice.

Ang perang ito raw ang ginamit ni De Lima sa pangangampanya para sa kanyang senatorial bid nitong May 2016 elections.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni De Lima.

Aniya, "Siguro po ako, sa sarili ko, 100 percent na wala akong tinatanggap at wala akong papayagan na maging bag man ko [kahit] sino man siya."

Read: Sen. Leila de Lima speaks up on her alleged new boyfriend

Inamin naman ni Senator De Lima sa panayam sa kanya ni Monsod na binibigyan niya ng tulong pinansiyal si Dayan, ngunit pinabulaanan niyang siya ang gumastos sa pagpapagawa nito ng bahay.

Nabuo raw ang mas malalim na relasyon sa pagitan nila dahil sa tiwala.

"We became so close. That's it. I trusted him. Siyempre, naano po ang loob ko," sabi ni De Lima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN