Ken Chan more attracted to older women: "Gusto ko bine-baby ako."

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan on his relationship style: "Yung parang ibibigay mo lahat. Actually, yun ang problema ko din, e. Ibibigay ko lahat, pero kapag nabigay mo na parang nakakasawa."


Inamin ni Ken Chan na apat na ang kanyang naging girlfriend, at lahat daw ng kanyang relasyon ay tumagal ng dalawa hanggang tatlong taon.

Aniya, “Long term ako, hindi ako madalian.”

Isang non-showbiz girl ang huling nakarelasyon ni Ken.

Tumagal daw sila ng “one year and eight months.”

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 2016, inamin ni Ken na nakipaghiwalay siya sa kanyang non-showbiz girlfriend sa kalagitnaan ng pag-ere ng GMA-7 afternoon soap na Destiny Rose.

Read: Ken Chan says he broke up with girlfriend while doing Destiny Rose

Ang pagganap ni Ken sa naturang teleserye bilang isang transgender ang nagbigay sa kanya ng parangal bilang Teleserye Actor of the Year ng PEP List Year 3.

LOVELESS? Hanggang sa kasalukuyan ay single pa rin daw si Ken.

Paliwanag ng 23-year-old actor, “Kasi yung last relationship ko, ang nangyari nun, dahil sa time, e.

“So, feeling ko, pag itinuloy ko, magkaroon ng commitment ulit, feeling ko hindi magwo-work because of time.

“So, ang hirap din, e. So, tama lang na wala munang commitment.”

Nakapanayam ng PEP si Ken pagkatapos ng intimate presscon ng #MeantToBe, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong Lunes, November 21.

Ayon kay Ken, ang tipo niyang babae ay yung mas matanda sa kanya ng ilang taon.

“Gusto ko mas matanda.

“Naalala ko nung second year high school ako, nagkaroon ako ng girlfriend na second year college.

“Alam ko ang agwat namin nun, six years, e.”

Bakit siya attracted sa older girls?

“Ewan ko, gusto ko parang bine-baby ako,” nakangiting pag-amin ng aktor.

Pabirong hirit pa ni Ken, “Naghahanap ako nung mga 40 years old… Joke lang!

“Hindi naman. Twenty-three years old ako ngayon.

"So, siguro mga 28 to 30 years old ang gusto ko."

COURTING STYLE. Ibinahagi ni Ken kung paano niya suyuin ang isang babaeng napupusuan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Traditional way. Yung pupuntahan mo sa bahay.

"Hindi lang siya ang liligawan mo, pati magulang niya at kapatid.

“Lahat ng naging girlfriend ko, feeling ko, ganun ginawa ko.”

Siya ba yung tipo ng boyfriend na todo kung magmahal o yung tipo na mahirap mahagilap?

Sagot ni Ken, “Yung parang ibibigay mo lahat.

“Actually, yun ang problema ko din, e. Ibibigay ko lahat.

"Pero kapag nabigay mo na, parang nakakasawa.”

Tanong ulit ng PEP, parang 'crash and burn' ang dating?

Sumang-ayon si Ken at sinabing, “Yun ang mali ko. Hindi pala dapat ganun.

"Yun ang pinag-aaralan ko ngayon, kasi ayaw ko rin makasakit. Gusto ko gradual lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN