Vic Sotto on MMFF snub: "Sana lang nirespeto ng komite yung panlasa ng Pinoy."

IMAGE Noel Orsal

Is Vic Sotto saddened by the exclusion of his movie in MMFF? He says, "[M]ore than that, it's more of a… hindi ko puwedeng sabihing sama ng loob. Kung sama ng loob, hindi para sa akin kundi para sa mga bata."


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Vic Sotto hinggil sa hindi pagkakasali ng kanyang pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ikinagulat ng maraming taga-film industry at moviegoers ang lineup ng walong pelikulang napili ng MMFF screening committee bilang official entries ngayong taon.

Karamihan dito ay independent films at seryoso ang mga tema, at sa unang pagkakataon ay walang entries mula sa pinakamalalaking film companies sa bansa.

Bukod sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers, hindi rin nakapasok ang The Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin mula sa Star Cinema at Mano Po 7: Chinoy ng Regal Films.

Read: MMFF officials deny snubbing big franchise films in MMFF 2016 screening process

Ito ang unang pagkakataon, mula 2003, na hindi nakasama ang pelikula ni Vic sa MMFF.

VIC REACTS. Dahil sa hindi pagkakasali ni Enteng Kabisote 10 and the Abangers sa MMFF, mapapaaga ang showing nito.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa November 30, kasabay ang pelikula nina Vice at Coco na The Super Parental Guardians.

Ang Mano Po 7 naman ay ipalalabas sa December 14.

Sa presscon ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers ngayong Huwebes, November 24, inihayag ni Vic ang kanyang saloobin tungkol sa hindi pagkakapili ng kanilang pelikula sa annual film festival.

Saad niya, "I have mixed feelings about it.

"Una sa lahat, sabi ko for the first time, magkakaroon ako ng normal na Christmas.

“But more than that, it’s more of a… hindi ko puwedeng sabihing sama ng loob.

"Kung sama ng loob, hindi para sa akin kundi para sa mga bata.

“Kaya, with all due respect sa mga kasamahan natin sa pelikula, for the first time in so many years, panahon pa nina FPJ [Fernando Poe Jr.], ni Dolphy, hindi nawawalan ng pambata basta pinag-usapan ay Metro Manila Film Festival.”

Makahulugang dugtong ng comedian-TV host, “Ako, naniniwala ako sa salitang respeto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Respetado ko ang panlasa ng bawat tao.

“Nirerespeto ko ang panlasa ng naging screening committee.

“Ang masakit lang para sa akin, hindi nila nirespeto yung panlasang iyon ng manonood ng pelikulang Pilipino.”

BLESSING IN DISGUISE. Sinabi ni Vic na nirerespeto niya ang mga pelikulang kasali sa MMFF ngayong taon, pero marami sa mga ito ay hindi pambata.

“Andiyan na 'yan. Sabi nga nila, ang kanilang desisyon ay final and unanimous. I respect that.

“Pero sana lang, nirespeto ng komite yung panlasa ng Pinoy.

“Wag mong isubo sa amin yung hindi namin gustong kainin pagdating ng Noche Buena.

“Dun lang naman ako nalulungkot.

"Pero ganunpaman, medyo napaaga lang ang Pasko ng mga bata.

“Siguro this will be a blessing in disguise dahil mas magiging mahaba ang aming showing, at pag binuwenas-buwenas, baka umabot din ng Pasko.”

Dugtong pa niya, “I don’t have anything personal against them, pero para sa akin, nirerespeto ko ang panlasa nila ganito, ang panlasa nila ay ganun...”

Kagaya rin daw ito ng pagkakaroon ng panlasa ng mga Pilipinong manonood sa mga pelikulang pambata tuwing Kapaskuhan.

“At alam natin lahat, pagdating ng Pasko, inaabangan ito ng buong pamilya.

“Yung mga pelikulang mapapanood nila, alam natin inaabangan ng mga bata.

“Ito ay panahon na ang nakakapili, lalo na sa first few days, ay yung bata.

“And once a year, nagkakaroon sila ng sarili nilang pera, galing sa aginaldo, sa kanilang ninong, ninang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN