Vic Sotto jokes about continuing box-office clash with Vice Ganda and Coco Martin

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto on exclusion of his movie and Vice Ganda's movie in MMFF 2016: "I'm sure pareho naman kami ng pakiramdam. But, of course, nakakasiguro din ako na nirerespeto niya ang desisyon."


Kahit parehong hindi napili sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kani-kanilang pelikula, magtatapat pa rin sa takilya sina Vic Sotto at Vice Ganda.

Parehong November 30, Bonifacio Day, ang napiling playdate ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic at ng The Super Parental Guardians ni Vice kasama si Coco Martin.

Kaya biro ni Vic tungkol dito, “Hindi ko sila mami-miss, kasabay ko pa rin sila.

“Ayoko din ma-miss ako ni Vice saka ni Coco na wala silang kasabay, kaya sabay-sabay na kami.”

Naging kontrobersiyal ang hindi pagkakasama ng kanilang mga pelikula sa MMFF ngayong 2016.

Noong mga nakaraang taon, pukpukan ang labanan sa box-office ng kani-kanilang pelikula.

Una nang sinabi ni Vice na nalungkot siya sa hindi pagkakapasok ng kanyang bagong pelikula sa darating na MMFF, lalo pa’t naging tradisyon na niya ang makilahok dito taun-taon.

Read: Vice Ganda on MMFF exclusion: "Sa tingin ko, malaking kawalan ito sa mga manonood."

Ayon kay Vic, pareho sila ng pakiramdam ni Vice.

“I’m sure pareho naman kami ng pakiramdam.

“But, of course, nakakasiguro din ako na nirerespeto niya ang desisyon,” pagtukoy niya sa MMFF Selection Committee na namili ng walong official entries.

Sunod na tanong na PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vic, "May words of comfort ba siya para kay Vice?"

“Mauna na siyang mag-words of comfort sa akin,” biro nito.

“Di naman. Malaki na si Vice, alam na niya yun.”

Nilinaw rin ni Vic ang isyung sinabayan niya ang pelikula nina Vice at Coco, gayo't dapat daw sana ay sa December 7 pa ang showing ng Enteng Kabisote 10.

Ayon sa Eat Bulaga! host, “Di naman intentional yun.

"Nagkapareho lang siguro kami ng pananaw, considering it’s a holiday. It can feel like Christmas.

"Maagang magbubukas ang mga sinehan, walang pasok si Nanay, walang pasok si Tatay, kaya puwedeng manood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede naman silang lumagare."

Positibo na ring tinitingnan ni Vic ang hindi pagkakasali ng kanyang pelikula sa MMFF.

“I don’t regret anything, and I know it can also be a blessing in disguise for us.

"We have a good playdate, November 30, holiday, towards the weekend.

"Alam ko na marami ang makakapanood, lalo na mga bata," saad ng comedian-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN