Alma Moreno and family to spend Christmas in jail with Mark Anthony Fernandez

IMAGE Gorgy Rula / Noel Orsal

Alma Moreno on son Mark Anthony Fernandez's imprisonment: "Nakahawak ang kamay ko sa Panginoon, hindi ako bumibitaw dun. And naniniwala ako na may reason kaya nangyari ito, na may kapalit na mas magandang pangyayari. Nangyari lang ito sa masakit lang na paraan, e. After this, magiging okay ang lahat."


Nangingilid ang luha sa mga mata ni Alma Moreno nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang hearing ng kanyang anak na si Mark Anthony Fernandez.

Ginanap ang hearing para sa kasong Transporting and Possessing a Kilogram of Marijuana sa tanggapan ni Prosecutor Percival Atinaja ng Angeles Hall of Justice, ngayong Biyernes ng umaga, November 25.

Matatandaang nahulihan ng isang kilo ng marijuana si Mark sa isang check point sa Angeles, Pampanga, noong October 3 ng madaling-araw.

Read: Mark Anthony Fernandez arrested for illegal possession of 1 kilo of marijuana

Malungkot na pahayag ni Alma, “Siyempre, hindi pa talaga nakaka-adjust talaga si Mark sa loob.

“Siyempre sa loob ka, e, jail ‘yan.

“Yun nga ang sinasabi ko lagi sa kanya na, ‘Mark, nandito ka sa loob, labanan mo, alagaan mo yung sarili mo dahil… sigurado, magdasal lang, walang imposible sa lahat sa Panginoon.”

Napagkasunduan na rin daw ng kanilang pamilya na sa kulungan sila magpa-Pasko para samahan nila si Mark.

Sabi ni Alma, “Ang hirap, Pasko, lalong nalulungkot kami, ang mga kapatid, pero sasamahan namin siya.

“Magpapaalam tayo sa loob kung papayagan kami na yung family, sa loob, lahat ng mga kapatid niya, magkasama kami.”

Ayon kay Alma, mas gusto raw ni Mark na mamili na lang muna ito ng mga gustong dumalaw sa kanya.

May ilan daw tinanggihan ang anak na dumalaw dahil ayaw nitong ma-depress lalo.

“Siya na rin kasi mismo ang nagsasabi na huwag na muna.

“Tapos, sasabihin na lang niya kung sino ang gusto niyang dumalaw.

“Si Tita Lorna [Tolentino] niya, tinanong niya.

"Kaya lang, sinasabi ko na si Tita Lorna niya, may ginagawa.

“Si Tito Joey [Marquez] niya… yun ang mga hinahanap niya.

“Sinasabi ko, si Tito Joey niya, sunud-sunod yung mga ginagawa niya, e.”

Pakli pa ni Alma, “Prayers, prayers talaga ang kailangan.”

PRAYERS FOR MARK. Ang isa lang daw ikinatuwa ni Alma ay marami pa ring gustong dumalaw at damayan si Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung nararamdaman ko ho na mas marami ang nagdadasal para kay Mark.

"Naramdaman ko na maraming nagmamahal kay Mark, dahil alam nila si Mark na isang mabait na bata.

“Wala siyang sinaktan, hindi basag-ulo, wala kang narinig na may inapi, inagrabyado. Marespeto siyang bata.

“Kaya salamat. Maraming salamat sa lahat na nagmamahal sa anak ko, kay Mark.

“Ang hinihingi ko lang po na sana isama niyo sa dasal ang aking anak,” pakiusap pa ni Alma.

Dagdag niya, “Nakahawak ang kamay ko sa Panginoon, hindi ako bumibitaw dun.

“And naniniwala ako na may reason kaya nangyari ito, na may kapalit na mas magandang pangyayari.

“Nangyari lang ito sa masakit lang na paraan, e.

“After this, magiging okay ang lahat.”

MARK'S CASE. Halos isang oras din tumagal ang pagdinig sa kaso ni Mark kanina, kung saan nagkaroon ng clarificatory hearing kaugnay sa Motion for Reinvestigation na isinumite ng abugado ni Mark.

Nag-request si Atty. Sylvia Flores ng reinvestigation sa naturang kaso, at dismissal na rin.

Ayon sa abugado ni Mark, ipinatawag sila ng prosecutor para linawin ang ilan pa nilang pahayag at himayin ang imbestigasyon ng mga pulis na humuli sa aktor.

Pahayag ni Atty. Flores, “Submitted for resolution yung aming Motion for Reinvestigation.

“So, magri-resolve na ang fiscal kung dapat ngang ma-affirm yung information na na-file nila [mga pulis] sa court o dapat ma-dismiss yung case.”

Mananatili pa ring nakakulong si Mark, pero umaasa silang mapagbibigyan ang isinumite nilang Motion for Reinvestigation.

“Ako, naniniwala ako sa ipinaglalaban natin, e.

“So, hintayin na lang natin ang magiging resulta.

“At siyempre, we’re asking for the dismissal of the case,” pahayag pa ng abugado ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN