Sunshine Cruz still cautious about admitting relationship with Macky Mathay

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz on rumored boyfriend Macky Mathay: "Di ba, may mga guys na kapag nanliligaw, best foot forward talaga sila, pa-impress-impress? Tapos lalabas din yung tunay na kulay eventually. But with him, parang I can feel naman... though it's early to say, pero he and his family have a very good heart. Mababait na tao talaga."


“Happy!”

Ito ang unang salitang nabigkas ni Sunshine Cruz nang usisain tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang emosyon.

Kahit wala siyang direktang pag-amin sa totoong relasyon nila ni Macky Mathay, halatang masaya ngayon ang aktres.

Kita ito sa ngiti sa kanyang mukha at sa mga matang parang nangingislap kapag tungkol kay Macky ang naitatanong sa kanya.

Hindi naman na maaaring magkaila si Sunshine dahil inamin na ni Macky sa exclusive interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tunay na estado ng relasyon nila.

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."

Pahayag ni Sunshine tungkol dito, “Si Macky, nakakatuwa nga.

“It's okay na it came from him, pero...

“Yeah, I'm flattered and it's safe to say na I'm happy right now.

“Pero hanggang dun muna ang puwede kong i-share, and all of you can see naman sa kanyang social media na...”

Ang ibig tukuyin dito ng Kapamilya actress ay ang lantarang pagpu-post ni Macky sa social media account nito tungkol sa happy moments nilang dalawa.

Pero hindi raw ito dahilan para umamin siyang may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Ayon kay Sunshine, “Admission is a different story from... as much as I want to.

“Of course, I'm proud, di ba?

“Who could not be proud of someone like him, di ba?”

Nakapanayam ng PEP si Sunshine sa product launch ng Ren Mouris watches, na ginanap sa City of Dreams Manila, sa Paraaque City, kahapon, November 27.

ABOUT MACKY. Nasabi ni Macky sa panayam ng PEP na hindi niya inakalang mayroon pang babaeng katulad ni Sunshine na darating sa buhay niya.

Parehong hiwalay sa asawa sina Sunshine at Macky; si Sunshine sa aktor na si Cesar Montano at si Macky sa anak ni Ilocos Norte Representative Rudy Farinas na si Camille Farinas.

Ano ang reaksiyon ni Sunshine tungkol sa sinabi ni Macky sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O, di ba? Kahit sino naman sigurong babae, kapag nasabihan ng ganun, nakaka-long hair.

“Of course, you won't expect it from anyone.

“Ako kasi, less expectation, mas masaya ang buhay, di ba?

“But for someone to say that, why not, di ba?

“Nakaka-tumbling-tumbling naman. Nakakakilig.”

Marami ang nagsasabing malaking factor ang kaibigan niyang si Ara Mina sa pagiging malapit nila ngayon ni Macky.

Si Ara ay kapatid ni Macky sa ama nitong si Chuck Mathay.

Ngunit paglilinaw ni Sunshine, “People would think na si Hazel... si Ara, may kinalaman.

“Yes, she's a good friend of mine, pero yung brother niya ang dumiskarte nang sarili at hindi nagpatulong.

“Hindi talaga. I did not even know na may brother siyang Macky ang pangalan.

“Nung magkita kami after a month of texting, yeah, I find him very pleasant.

“Magandang magsalita, tapos ramdam mo naman na...

“Kasi, di ba, may mga guys na kapag nanliligaw, best foot forward talaga sila, pa-impress-impress?

“Tapos lalabas din yung tunay na kulay eventually.

“But with him, parang I can feel naman... though it's early to say, pero he and his family have a very good heart.

“Mababait na tao talaga.”

REACHING OUT TO HER KIDS. Ang isang magandang ugali pa raw ni Macky na nagustuhan ni Sunshine ay lagi itong nagri-reach out sa tatlo niyang anak na babae.

“Yes, always, always.

“My kids naman are happy, kasi noon pa naman nila ako pinagsasabihan na isang taon pa lang akong hiwalay, pinu-push nila ako na makipag-date.

“Sabi ko naman, ‘Anak, hinay-hinay naman, wala pa ngang ma-date si Mommy kahit gustuhin man natin.’

“And, at the same time nga, I have three girls, and hangga't maaari, ayaw ko namang makita nila, not for anything, pero ang belief ko naman ay ayaw ko namang makita nitong mga nagdadalaga kong mga anak na iba't ibang lalaki ang ipinapakilala ko sa kanila o naidi-date ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “I may have my past, I was a sexy star before, but I'm trying my very best to set a good example to my kids.

“To finish my studies and be the best that I can be for them.”

Kasalukuyang nag-aaral si Sunshine ng kursong AB Psychology sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng Arellano University.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN