Pia Wurtzbach, Marlon Stockinger go on a date in Singapore

IMAGE Instagram (@piawurtzbach)

Are Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and car racer Marlon Stockinger already a couple. Recently, the two met in Singapore and went out on a date. 


Nagkita at nag-date sa Singapore si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang car racer na si Marlon Stockinger.

Ngayong Lunes, November 28, nag-post si Pia sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Marlon na magkayakap.

Saw the Marlion in Singapore ???????????? @marlonstockinger

A photo posted by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Nag-share din si Pia sa “Stories” feature ng Instagram ng blurred photo nila ni Marlon.

Ngunit makikita rito na nakahawak si Pia sa bandang tiyan ni Marlon, habang nakahawak naman ang car racer sa baywang ni Pia.


Sa Instagram account naman ni Marlon, nag-post siya ng larawan nila ni Pia sa kanilang dinner date.

Dinner date????????

A photo posted by Marlon Stockinger (@marlonstockinger) on

Naging makahulugan naman ang heart emoticon na ipinost ni Pia sa Twitter noong Lunes.

Hindi man inaamin ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon, idinadaan naman nila sa social media ang anumang namamagitan sa kanila ngayon.

Sa guest appearance ni Marlon sa ABS-CBN Kapamilya game show na Family Feud noong November, inamin nitong isa si Pia sa kanyang “pride and joy.”

Read: Marlon Stockinger says Pia Wurtzbach is his "pride and joy"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN