Ping Medina admits to slapping Baron Geisler after urination incident

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Ping Medina (left) on outrageous urination incident with Baron Geisler (right): "Inakyat pa niya dito sa bibig ko. Talagang inihian niya ako sa bibig.'Buti, meron akong packaging tape [sa bibig]. Hindi ko na napigilan, sinugod ko siya. So, parang hinahamon ko siya. Tapos hindi siya pumapalag, so sinampal ko."


Nanikip ang dibdib at bahagyang naging emosyunal si Ping Medina dahil sa sobrang galit sa ginawang pambabastos sa kanya ng kapwa aktor na si Baron Geisler.

Mapapanood ang pag-hyperventilate ni Ping sa panayam ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe na umere sa TV Patrol noong Lunes ng gabi, November 29.

Dito ay makikitang sandaling tumayo at tumalikod si Ping habang kinakapos ng hininga.

Agad naman siyang inalalayan ng kanyang ama na si Pen Medina, na naroon sa tabi ng 33-year-old actor.

THE UNEXPECTED URINATION SCENE. Nang umayos na ang pakiramdam ni Ping, saka niya idinetalye ang “pambababoy” na ginawa sa kanya ni Baron sa shooting ng kanilang pelikula sa Subic, Zambales, noong Linggo, November 28.

Lahad ni Ping: “Pa-action na, tapos may sinabi siya na, ‘Ping, may gagawin ako sa ‘yo, ha? Sana ‘wag ka magalit.’

“Nakita ko na binubuksan niya yung zipper niya, so parang, ‘Ano ‘to?’

“Tapos yun, naramdaman ko na [expletive]… [Sa isip ko], ‘Teka, binababoy na ako nito.’

"So, parang naglalaban yung utak ko dun."

Ang tinutukoy ni Ping ay ang eksena kung saan nakagapos ang kanyang mga kamay at natatakpan ng packaging tape ang kanyang bibig, na bahagi ng ginagampanan niyang karakter bilang informant.

Si Baron naman ay gumaganap na isang pulis na siyang nang-torture sa karakter ni Ping.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Ping, iminuwestra niya kung paano siyang inihian ni Baron mula sa kanyang tiyan pataas sa kanyang bibig.

Lahad ni Ping: “Inakyat pa niya dito sa bibig ko. Talagang inihian niya ako sa bibig.

"Buti, meron akong packaging tape [sa bibig].

“Hindi ko na napigilan, sinugod ko siya. So, parang hinahamon ko siya.

“Tapos, hindi siya pumapalag, so sinampal ko. Sabi ko sa kanya, ‘Ano?!’

“Nakahubad pa ako, e, kasi tinanggal ko na yung shirt ko.

“Para akong The Hulk na nanghahamon, ‘Ano?!’ Sumisigaw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para akong Baron Geisler nun.”

Nauna nang naiulat na gustuhin man daw ni Ping na sapakin si Baron noong mga oras na iyon ay hindi niya itinuloy dahil ayaw niyang pumatol sa "walang kalaban-laban."

Read: Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

Sinapak na lamang daw ni Ping ang isang bakal na pader upang doon ibaling ang galit.

Sa kasalukuyan ay namamaga at nakabenda pa rin ang kanang kamao ng aktor.

BARON DEFENDS SELF. Sa kabilang banda, nanindigan si Baron na ipinagpaalam niya ang gagawing pag-ihi kay Ping sa direktor ng pelikula na si Arlyn dela Cruz.

Giit ni Baron, “Sige, naihian kita [Ping]. Pero nagpaalam ako, three times [kay Direk Arlyn]. Kahit sa ‘yo.

“Naka-record 'yan sa behind the scenes. Puwera lang kung binura niyo.”

Sa kanyang Facebook post kagabi, November 30, mababasa ang panibagong pahayag ni Baron ukol sa isyu. 

Read: Baron Geisler partly blames Arlyn dela Cruz for latest controversy

ARLYN DELA CRUZ’S SIDE OF THE STORY. Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Direk Arlyn na “wala sa instructions” niya ang ihian ni Baron si Ping sa kanilang eksena.

Base pa rin sa panayam ng TV Patrol, lahad ni Arlyn: “Nag-insist siya [Baron], ‘Direk, puwede ba ako mag-dialogue? ‘Pagpiyestahan niyo na ‘yan!’ Yun ang pinagpaalam niya.

Ayon pa kay Arlyn, hindi niya personal na nasaksihan ang pag-ihi ni Baron kay Ping dahil wala raw monitor ang direktor; at sa ibang kalapit na lugar kinunan ng eksena ang dalawang aktor.

Ang tanging cue raw ni Arlyn ay marinig ang mga huling linya ng karakter ni Ping.

Dugtong ng direktor, “Ang narinig namin sa loob, malakas na sampal. Wala sa script yun. Wala sa instructions.

“So, ang feeling namin, yun na yun. Sabi ko, ‘Cut!’ Tapos tumakbo na kami lahat.

“Pagtakbo kong ganun, nagulat ako, basang-basa na dito [sa dibdib] si Ping. Sabi ko, 'Sinong umihi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taliwas sa pahayag ni Baron, mariing sinabi ng direktor na wala silang usapan ng una na iihian nito si Ping.

Sabi ni Arlyn, “Baron, alam mo ‘yan. Alam mong iba ang ipinagpaalam mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN