Vice Ganda says Kris Aquino never asked him to be a bridge between her and ABS-CBN

IMAGE Mark Atienza

Vice Ganda says he never asked Kris Aquino about her network woes: "Ayokong mag-fish, ayokong maramdaman niya na tsumi-chismis ka lang sa akin."


Kung si Vice ang tatanungin, mas gusto niyang manatiling Kapamilya ang kanyang “asawa” na si Kris Aquino.

"Asawa" ang term of endearment nina Vice at Kris.

Ayon kay Vice, “Siyempre, lahat naman tayo, gusto natin na magkakasama, ayaw natin ng naghihiwa-hiwalay.

"Mas marami tayo, mas maganda kung pamilya tayo.

“Sa amin, kung may nabago man, yung chances na magkita kami sa network, sa studio.

"Hindi katulad dati na ang dali ko siyang mapupuntahan."

Pagkatapos umalis ni Kris sa Kapamilya ay network ay napabalitang gagawa ito ng proyekto na ipalalabas sa GMA Network, ngunit hindi ito natuloy.

Read: Kris Aquino on career move: "I overestimated my worth."

Naniniwala si Vice na kakayanin ni Kris kahit wala na ito sa ABS-CBN.

Saad niya, “Kris Aquino is a very strong woman.

"Kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon, kayang-kaya niya ‘yan, mamaniin niya ‘yan.

“Sa dami ba naman ng nangyayari sa pamilya nila, ito pa ba naman ang hindi niya kakayanin?

“Keri ni Kris ‘yan, tatawanan lang niya ‘yan nang malakas.”

BRIDGE BETWEEN KRIS & ABS-CBN. Hindi ba naisipang gumawa ng paraan ni Vice nang malaman niyang hindi na magre-renew ng kontrata si Kris sa Kapamilya network.

Tugon niya, “Kris never asked me to do anything or to be a bridge, wala.

“Actually, mag-uusap kami, maghaharutan lang kaming dalawa, masaya kami.

"Ako naman, kung yung kaibigan ko malungkot, ayoko siyang palungkutin.

“Hindi rin naman kasi ako yung madaldal, pakialamera, ‘Uy, anong nangyari?’

"Kung hindi siya magkukuwento, hindi rin ako magtatanong.

"And since hindi rin naman niya ino-open lahat, feeling ko, gusto niya na masaya lang din.

“Ayoko rin kasing maramdaman niya na kapag tinawagan ko siya, magpi-fish ako.

"Gusto ko, kung mag-uusap kami, kaming dalawa yung pinag-uusapan.

“Ayokong mag-fish, ayokong maramdaman niya na tsumi-chismis ka lang sa akin.”

Never siyang nagtanong?

“Never,” mabilis na sagot ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPEN COMMUNICATION. Kahit wala na si Kris sa ABS-CBN, patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Vice.

Kuwento ni Vice sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam niyo kanina, habang nag-iinterbyuhan tayo, kaya ako tumatawa, kasi tumatawag siya.

"Kasi nasa bahay siya at may nakasalubong siya sa elevator na, ‘Ay! Nakasalubong ko sa elevator si Chu-chu-chu, may iniintriga siya sa akin.’

“Yung kaibigan ko, nakasalubong niya sa elevator.”

Yun nga lang, madalang na silang magkita ngayon.

Kuwento ni Vice, “Ngayon, hindi na kami masyadong nagkikita kasi wala siya sa studio niya.

“E, ako, kapag hindi na kami nagkikita, kapag nakukonsensiya na ako na hindi ko siya nakikita, ang dali ko siyang puntahan sa studio o dressing room niya.”

Ngayong hindi na sila madalas magkita ni Kris, paano ang kanilang komunikasyon?

“Tawagan lang, si Bimby nagpi-Facetime sa akin.”

ANOTHER BOX OFFICE HIT. Samantala, nagkatotoo ang sinabi ni Vice ilang araw bago ang showing ng The Super Parental Guardians na magiging box-office hit ang pelikula nila ni Coco Martin, kahit hindi ito nakasamang sa Metro Manila Film Festival.

Ayon sa Star Cinema, umabot sa P75 million ang kinita ng pelikula sa first day of showing nito kahapon, November 30.

Read: Vice-Coco starrer The Super Parental Guardians opens with P75 million, according to Star Cinema

Pahayag ni Vice sa presscon bago ipalabas ang pelikula nila ni Coco, “Alam ko naman na magiging box-office hit ‘to.

"I am claiming, the Lord is with me, magiging box-office hit ‘to.”

Sa palagay pa ni Vice, kayang higitan ng The Super Parental Guardians ang naitalang record ng pelikula nila ni Coco noong nakaraang taon, ang Beauty and the Bestie.

“Kasi, yung mga nai-set naman nating record nung nakaraan, Siya naman ang nag-allow nun, Siya rin ang nakakaaalam.

"Kaya kung ibibigay, maraming-maraming salamat."

Kahit wala siyang entry sa MMFF ngayong taon, sa Pilipinas pa rin daw magse-celebrate ng Pasko si Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Dito ako magki-Christmas, pero aalis kami ng family after ng Christmas.

"Sa 26 ang alis ko, hanggang first week of January."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN