Benjamin Alves gets cozy with rumored girlfriend Julie Anne San Jose

IMAGE @benxalves Instagram

Benjamin Alves shows cozy moment with rumored girlfriend Julie Anne San Jose via his Instagram account.


Ibinahagi ni Benjamin Alves ang pagiging sweet nila ni Julie Anne San Jose sa isa’t isa sa pamamagitan ng Instagram story ng binata kahapon, December 1.

Makikita rito na magkalapit ang mukha ng dalawa at tila akmang hahalikan ni Benjamin ang kanang mata ni Julie Anne.

Kapansin-pansin din ang matamis na pagkakangiti ng dalaga sa sweet gesture ng binata.

Marami sa masugid na tagasuporta ng rumored couple ang nag-repost ng screengrabs ng Instagram story ni Benjamin.

Sweet naman nila ?????????

A photo posted by TeamBENLIE (@teambenlie) on

Makikitang parehong may hawak na pagkain sina Benjamin at Julie Anne mula sa isang kilalang fastfood restaurant.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na humingi ng detalye mula kay Benjamin kung ang kuha nila ni Julie Anne ay random sweet moment o para sa isang endorsement.

Ngunit at press time ay hindi pa sumasagot ang Kapuso actor.

EXCLUSIVELY DATING. Mahigit apat na buwan na mula nang unang naiulat ng PEP ang tungkol sa pagkakamabutihan ng dalawang Kapuso stars.

Noong July 20, inamin ni Julie Anne sa reporter na ito na nasa “getting to know each other” stage sila ni Benjamin.

Sinabi rin ng 22-year-old singer/actress na alam ng kanyang mga magulang ang tungkol sa namumuong pagkakaibigan nila ng binata.

Read: Julie Anne San Jose on Benjamin Alves: "I like him."

August 3 nang si Benjamin naman ang diretsahang umamin na “exclusively dating” sila ni Julie Anne.

Read: Benjamin Alves confirms exclusively dating Julie Anne San Jose

IN A RELATIONSHIP? Makalipas ang tatlong buwan mula nang aminin ni Benjamin na nagdi-date sila ni Julie Anne, hindi inaasahang inihayag ng dalaga na “hindi” na siya single.

Base ito sa ulat ng GMA News Online noong November 22.

Ngunit nang tanungin si Benjamin hinggil sa “no longer single” statement ni Julie Anne ay nanatiling mailap ang aktor.

Ito ang tanging pahayag ng 27-year-old Kapuso actor sa panayam ng PEP noong November 27:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hirap kasi sagutin na hindi mo kasama siya, e.

"Hopefully, we'll get to answer it some time, together."

Read: Benjamin Alves reacts to Julie Anne San Jose's comment that she's "no longer single"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN